Kabanata 1

1437 Words
Life isn't fair for all of us. Behind everything, there is always a story of a personal pain and struggles. I grew up in a simple life. I have seen several hardships since then. As a result, I don't perceive life the way most people do. "Anak paalis na ako. Matutuloy ba mamaya ang pagpasyal ninyo ni Phiyo sa bayan?" tanong ni Nanay habang aligaga sa bawat kilos. "Opo pero mamaya pa naman ang usapan naming iyon." sagot ko habang pinagmamasdan ko ang pagmamadali niyang ayusin ang sarili. Pangkaraniwan na lang sa akin na makita siyang ganito kaabala tuwing umaga. Madalas kasi ay inuumaga na siya sa uwi galing sa bar na pinagtatrabahuan. At sa umaga naman ay kailangan niya ulit umalis para pumunta parlor ni Ninang Sugar. "Magpasundo kana sa kanya ah? At kung may oras pa kayo ay dumaan ka sa parlor ni Ninang Sugar mo para mabilhan ko kayo ng meryenda kung sakali." Patuloy niya habang sabay na sinusuot ang sandals at pagsusuklay ng mahabang buhok. "Susubukan namin, Nay. Baka kasi susunduin din namin si Thea," tukoy ko sa nakababatang kapatid ni Phiyo. "Tatawag na lang po ako kung sakaling makakadaan kami sa inyo ni Ninang Sugar." Tumango siya roon. Nasa harapan na siya ng salamin ngayon para pasadahan ng huling beses ang kabuuan niya. Most of the time, I can't help but to admire her. Sa lahat ng ibinatong pasakit ng tadhana sa kanya ay nanatiling siyang palaban sa buhay. She's brave, strong and the most unassuming person I've ever known. "Sige anak aalis na ako. Ingat kayo at huwag mong kalimutan ang tawagan ako," lumapit siya sa akin para halikan ako sa pisngi. "Idagdag mo iyong pera na iniwan ko sa tukador mo para sa pamamasyal ninyo mamaya." "Nay hindi na kailangan. May pera akong nakalaan para sa araw na ito." busangot ko na mas nagpangiti sa kanya. "At may nakalaan din ang Nanay para sa'yo, anak," lambing niyang sagot habang  haplos ang pisngi ko. "Ito na lang ang paraan ko para bumawi sa'yo anak kaya hayaan mo na ang Nanay, hmm?" Sa huli wala na akong nagawa kung hindi ang tanggapin iyon. Matapos niyang magpaalam ay ilang minuto akong naabala sa bahay. Sabado ngayon kaya naman minabuti kong maglinis muna ng bahay bago umalis. Saktong pagpatak ng tanghalian ay ang pagsundo at pag-alis namin ni Phiyo. Sa isang kainan sa bayan na kami huminto para sa tanghalian. Dito na rin nagsimula ang usapan namin tungkol sa totoong pakay namin ngayong araw. "Bakit ba pinipilit mong makapagtrabaho ka? Hindi ba't iyan ang ayaw ni Tita Karine na gawin mo?" Ang alam ni Nanay ay pamamasyal lang ito pero ang totoo ay sumusubok na akong makapaghanap ng trabaho. Matagal ko na itong gustong gawin subalit laging nauudlot dahil sa pangambang hindi magustuhan ni Nanay. Ngayon desidido na akong gawin ito para makatulong sa kanya "Sa una lang naman siguro siya hindi papayag dito, Phiyo. Pangako ko naman na kakayanin kong pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho kung sakali." "Carra iniisip mo pa rin ba ang sinasabi ng mga tao? Hindi ba't sinabi ko naman na huwag kang papadala sa mga salita nila?" Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko dahil doon. Sa totoo lang hindi na ako apektado ng kung anong sasabihin ng ibang tao tungkol sa amin, tungkol kay Nanay. She works day and night just to provide our needs. Ang talaga gusto ko lang ay makatulong na guminhawa ng kaunti ang buhay niya. "Hindi, Phiyo. Iniisip ko na magiging malaking tulong sa amin kung magkatrabaho rin ako." At marahil, baka kapag nakatulong na ako sa mga gastusin ay maiisipan na ni Nanay na huminto na sa pagpasok sa bar. Maiintindihan ni Nanay. Iyon ang isip ko nang magsimula kaming maghanap ng pwede kong pasukan. Sa unang minuto pa lang na paghahanap ay nahirapan na kami. Kung walang bakante sa pinupuntahan namin ay minsan naman hindi tugma sa oras nang pagpasok ko sa unibersidad ang kailangan. Hindi madali. Noon ko natanto kung gaano kahirap na magkahanap ng trabaho. Halos maghalo na ang matitinkad na kulay sa kalangitan ngunit hindi pa rin kami makatagpo ng pwedeng pasukan na trabaho. "Nako, hijo! Nahuli na kayo. Tapos na ang orientation at may nakuha nang tatao sa kahera. Sino ba ang papasok sana? Ikaw ba?" Tanong ng gwardiya sa isang convenient store na pinuntahan namin. "Uh, hindi ho. Ito ho sanang kasama ko, Manong. Sayang naman at nahuli ho pala kami sa hiring." kamot batok na sagot ni Phiyo. Bigo akong napabuntong hininga. Ito na ang huli na maaring pasukan pero mukhang malabo na. Kung hindi man ako palarin ngayon araw ay kailangan kong muling subukan sa susunod na linggo. Magpapasalamat na sana kami sa guwardiya nang may pamilyar na ginang ang lumabas mula sa loob ng establisyemento. Gusto ko na lang sana na huwag pansinin ito pero hindi nangyari dahil sa agarang salita na narinig ko. "Aba nandito pala ang anak ni Karine. Ineng ibang klase talaga Nanay mo! Ibang klase ang galeng sa paglande!" Halos magngitngit ang mga ngipin ko sa talas ng dila ni Manang Dirna. Isa siya sa kapitbahay namin na walang ginawa kung hindi ang pagchismisan ang buhay namin simula pa noon. "Manang Dirna magdahan-dahan ho kayo sa mga sinasabi ninyo." Banta ni Phiyo na mabilis napalitan ng kaseryosohan ang boses. "Nako Phiyo kahit ilang beses mong pagtakpan ay masangsang talaga ang ihip ng hangin pagdating sa kanila. Ako nga mismo ay nakita ko kanina ang pagsama niya sa mayamang kostumer!" "Masyado ho ninyo binibigyan ng atensyon ang buhay ng ibang tao, Manang Dirna. Hindi ho ba mas magandang pagtuunan ninyo ng pansin ang hanapin ang babae ng asawa ninyo?" Walang emosyon kong balik sa kanya. "Aba't bastos kang bata ka! Totoo naman aber ang sinasabi ko tungkol sa Nanay mo! Nakakita lang ng mayamang kostumer ay sumama agad! Hindi lang talaga talande, mukhang pera pa!" "Tama na ho sa mga walang kwenta ninyong chismis, Manang Dirna. Huwag na rin ninyo hayaang makapagsalita ako sa inyo." Iyon ang huli sabat ni Phiyo bago niya ako inakay paalis ng lugar. I learned to face these sick people that keep on badmouthing us. Hindi na bago sa akin ito subalit nakakangalit pa rin dahil wala naman silang alam sa pinagdaanan ni Nanay! "Phiyo huwag mo na akong ihatid pauwi." Saad ko nang matapat na kami sa motorsiklo niya. "Carra ihahatid kita." Pilit niya na nakikitaan ng pag-aalala sa mata. "Ayos lang ako. Sige na, sunduin mo na si Thea at baka kanina pa naghihintay sa'yo. Sa bahay na rin naman ako tutuloy nito." I said and tried to smile at him. Sa ilang sandali ay pinagmasdan niya ako na para bang may tinatantiya ang totoong saloobin ko. Gayunpaman, sa huli ay hinayaan niya ako. "Sige. Huwag mo akong kalimutang padalhan ng mensahe pagdating mo. Hihintayin ko." Iyon ang huling usapan namin bago kami tuluyang naghiwalay. Isang tricyle ang inarkela ko para makauwi. Pinadiretso ko ito pabalik sa bahay bagaman hindi sigurado kung may basihan ang nasabi ni Manang Dirna. Ayaw kong pagtuunan pa ng pansin iyon ngunit nang mapansin ko ang isang magarang sasakyan hindi kalayuan sa bahay ay natanto kong may kasama nga si Nanay. Dahil sa isipang iyon, hindi na naging malinaw sa akin ang pagbaba at maging ang papasok ng bahay. Pinakalma ko ang sarili. Ito ang unang beses na may ibang tao ang tumapak sa bahay maliban sa amin. I was quite nervous for unknown reason. Pagtapak ko sa sala ay mas umalpas ang tahip ng puso ko dahil sa nakita. In the middle of our small living room, my mother is sitting with this man wearing an expensive suit. Sa lalim at kaseryosohan ng usapan sa pagitan nila ay hindi agad nila napansin ang pagdating ko. It took them a short moment when they finally feel my presence. Si Nanay ang unang tumayo sa kinauupuan kasunod ng lalaking agad napako ang tingin sa akin. Sa ilang segundo, nagkaroon ako ng pagkakataon na pagmasdan ito. Indeed, he looks rich and expensive. Sa tikas at klase ng galaw ay masasabi kong hindi siya namulat sa pangkaraniwang buhay lamang. He is handsome with dark hair, tan skin and those calculated dark eyes. "Anak.." Ang tawag ni Nanay ang pumutol sa atensyon ko sa lalaki. "May bisita pala tayo ngayong araw, Nay?" tanong ko saka muling tumingin sa lalaki para bumati. "Magandang araw ho." Hindi nagsalita ang lalaki bagkus ay pinanatili lang ang titig sa akin. May kung anong pamilyar na ekspresyon ang dumaan sa mata nito na mas nagpakaba sa akin. "Anak.. siya si.. si Goncio Palentino. Siya ang.. ang ama mo."  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD