OBP 30 DANA Lumuwas si Mama para i-celebrate ang birthday ko. Hihi. Ito nga nagluluto na kami kasama sina Tita Celeste at Ecka. Aliw na aliw pagdating sa pagluluto e. Nahingi pa ng tips kay mama. Angdaming handa! Dadalo ang ilang sa mga tatay namin ni Gia e. "Mama,sapat na ba 'to? Baka kulang pa." "Aba'y pagkasyahin natin." Natatawang sabi ni Mama. "Hayaan mo at hindi naman matatakaw ang mga ninong niyo ni Gia." "'Tol, bili ako styro. Sukatin natin kakainin nila." Humalakhak pa si Gia. "Sinabihan ko silang mag-hawaiian attire e. haha! Ampopoging brusko siguro ng mga ninong. Haha!" "Pinagtripan mo na naman sila." "Dana, magpapadala daw si Mama ng foods." Agad kong nilapitan si Mimah para alalayan sa paglakad padulog sa mesa. "'Tol hindi naman pilay si Jemimah. Grabe makaakay. Lumpo

