OBP 32 DANA Nung isang linggo lang ganitong-ganito ang eksena namin ni Mimah. Naghihintay sa labas ng operating room. Tapos heto na naman. Mas mabigat lang ngayon para sa akin dahil sina Gabb ang involve. Paano pa para sa kanya? Mugto na ang mga mata niya sa kakaiyak. Si Axis nga pala ang umaalo sa kanya. Kararating lang kasi namin ni Gia. Galing kami sa pinangyarihan ng aksidente kasama ng ibang agents. Wasak ang harapan at likuran ni Ova. Kaya malaki ang hinala ko na hindi basta-basta aksidente ang nangyari. Hay! Sana may nakuhanan ang dash at rear cam. Wasak na wasak yung establishment kung saan sila sumadsad. Parang idiniin pa si Ova e. leche. Hindi pa kami nakakaisang taon tinodas na agad siya. Malaman ko lang kung sino ang bumangga sa kanila talaga. Nandito ang mga magulang nina

