OBP 9-Jem's Pride

2537 Words
JEMIMAH's POV Another Friday! Nagpapahangin kami ni Gabb sa may field. Ginawa na naming picnic area tong silong ng puno. Fresh air it is! "Hindi ka na tumatambay sa café ha. Is it because of Danababe?" may halong malisya na naman siya. "Uy iniiwasang ma-fall." "Cut it." Pagsusungit ko. She's not making any sense again. "I'm not into women. Kung yan ang pinupunto mo na naman. And if I am, isipin mo nga kakakilala lang namin tapos iniisip mo 'yang fall fall na 'yan? Stop watching too much drama Gabrielle. You're getting extra hopeless romantic." "Pagkahaba ng sinabi! Defensive my friend. Wala naman sa tagal yan kung magkakagusto ka sa isang tao. Danababe is likable. Angcute kaya niya." "Madali ka lang magkagusto. 'Yon lang 'yon. Napakaiksing panahon nagkakagusto ka na. The heck with you Gabb. Masyadong marupok. Idadamay mo pa kami ni Dana sa karupukan mo." "What's wrong with that? Nag-meet naman kayo End of May. So? Isang buwan na ang lumipas kasi June na! hahaha! I so love our curriculum. Lakas maka-summer love kapag may prospect ng April o May. Haha!" "Puro ka kalokohan." "E kung hindi ka confused, bakit hindi mo siya pinapansin? Ilang araw nang parang hangin si DanaBabe sa'yo ah. Naawa na ako dun sa tao. Napakasungit mo." Naiinis kasi ako sa kanya. Her idea of making Ate Abby Jealous is so ridiculous. Masasaktan lang si Sela dahil walang pagtingin si Ate Abby sa kanya. "Come on, Jemimah. You can trust me. Dali. Sabihin mo nang nako-confuse ka sa gender mo kaya mo siya iniiwasan." "Stupid. Hindi 'yon!" Just to shut her up, I told her Dana's idea and my stand on it. "'Yun lang?!" nanlaki ang mga mata niya. "Ang simpleng bagay hindi mo pinapansin. Mas matangkad ang pride mo kaysa height mo Jem. Sobra." "Mali naman kasi 'yon. Imagine parang lolokohin lang nila si Ate Abby. And if it didn't work? Paano si Sela?" "Pareho naman kayong may punto ni Dana. Pero hindi naman sapat na dahilan 'yon para hindi mo siya pansinin. Tibay ng pride mo, Jem. Nakakamanhid ng pakiramdam." Iiling-iling niyang binalik sa phone ang pansin niya. "Himala na lang talaga na may tatagal sa ugali mo." May nag-chat sa kanya. Isa sa mga girls niya. Pinakita pa niya ang picture sa akin. Yung member ng cheering squad sa Mamuru University. Rival school namin pagdating sa sports. She's smiling like an idiot again. Hay! When will you ever change Gabrielle! "Uuwi kami mamaya. Ikaw ba?" She asked why her attention is on her phone. "Papasundo na kami nina Ate Abby after training." "Nasa Japan sina Mama. Wala naman akong uuwian kaya hindi na ako uuwi." "Nandito naman siguro sila sa birthday mo 'no?" I shrugged my shoulders. Siguro wala. Hindi ko alam. Late ako nag-celebrate last year dahil nasa out of the country din sila. Hindi na bago 'yong sa akin. And I don't really make it a big deal. --- Dana and Gia didn't attend the training. Hindi naman siguro sila nakipag-away na naman. Wala namang alert sa MZUmazing. "Oh wala ang mga VIP." Said Sherie. "Porke mga special recruit lumiliban na sa training." iiling-iling pa niyang sabi. "Dapat masuspend sila e." "Kinakabahan ka na ba sa rank matches?" I bluntly asker her. "Tumataas rin ang level of play nina Lyka. Baka matalo nila ang team B. And you know what that means. Hindi uubra ang pera mo." Her eyes furrowed. And that is exactly what I want! To piss her off! Lumapit pa ako sa kanya. Siyempre hindi siya patitinag. Neither I! I'm a Reyes for God's sake! Hindi ako padadaig sa babaeng 'to! "100,000 for shaming Dana? I could double the price to put you in shame. O baka 50,000 lang sapat na." She smirks. Not threatened huh? "Natotomboy ka na rin Jemimah gaya ng mga kaibigan mo? Hahaha!" God! That laughter really irritates me! Her minions also pisses me off. Nakikitawa pero nakikitaan ko ng kaba sa mga mata nila. "Nope. Gusto ko lang sabihin na wala akong magawa sa pera ko kaya gusto kong gastusin sa walang kwentang bagay tulad mo." Tinapik-tapik ko ang balikat niya. "Don't worry. I have other plans for you, Captain." I emphasized her honorifics with sarcasm. I had a single set match with Empire. He won by two points. So as of our record for having practice matches tie na kami sa 12-12. We're resting at the side court watching the others train. "How's Dana?" Inabutan niya sa akin ang bottled water. "Alam mo na siguro kung sino ang nagplano ng pagpapahiya sa kanya?" "Yep. Palalampasin ko na muna. Sino pa ba ang nasa list?" "Gia. But I doubt any group would chase her. Astig pala ang dalawang 'yon. Which is very opposite sa mga angelic faces nila. They're pretty tough. Uhh. Lemme rephrase that. They're pretty and tough." Sabi nito habang hinihimas-himas ang kanyang baba. Pinalo ko siya ng raketa sa braso. "Don't mess with any of them, Empire. Don't you dare." Inakbayan niya ako. "Hindi ba dapat mas okay sa'yo kasi kilala mo ako? Matagal na tayong magkaibigan. Dapat boto ka sa akin if ever." Siniko ko nga siya. Napakabigat ng braso e! "'Yun na nga. Kilalang-kilala kita. After kang i-break ni Ate Abby, naging playboy ka na. So don't give me that I'm loyal guy look, Empire. Hindi mo ako maloloko." First boyfriend siya ni Ate Abby pero dahil sa fixed marriage naghiwalay sila. At itong lalaking 'to naging womanizer of the century! Tuloy sabi ni ate Abby deserved niyang hiwalayan. Secret lang namin ni Ate Abby 'yon. Tingin ko naman kasi dito kay Empire, niyakap niya na with feelings ang pagiging babaero. "People change." Sambit niya. "Malay mo may darating na makapagpapabago sa akin ulit. Malay mo si Dana 'yon." "Mawawalan ka ng malay kasi hindi papayag ang mama mo na hindi mayaman ang mapapangasawa mo. Kaya back off. Alam mo kung ano ang kayang gawin ng mama mo 'no." Then he got serious. Na-realize niya siguro kung ano ang ugali ng mama niya. Naalala ko, she even talk to mama. Good pair daw kami ni Empire. Good for the business. But knowing my Mama? Never niya ako ilalagay sa isang fixed marriage. She loves me dearly, she'll agree if I'll say I just want to have kids and not a husband. Haha! God! I'm so lucky. "Sana tulad ng parents mo ang mga parents ko." "Na palaging wala sa tabi ko?" I bitterly joke. "We can't chose our parents but if we become parents na rin we can try to be different." "Mga wisdom mo talaga angdaming hugot. Lola ka na siguro 'no? Nagkatawang bata lang! haha" "Baliw. Weird din naman ang parents ko. Pinagpipilitan sa akin na hindi ako straight." Natatawang kong sabi dito. "Ate JM, married Ate Liam, Ate Jane married Ate Rhyck, Ate Mika has Ate Ara. Sobrang open minded na ng family nagiging weird na 'pag straight ang anak." "That's cool. Like every gender is accepted. Sarap ka ng ganyang family." Come to think of it. He has a point. The elders in our clan are conventional. We're just blessed to have them sa part ng acceptance. --- Inihatid ako ni Empire. Nandito pala si Maam Celeste, Mama ni Gia. Naglalaro sila ng chess. "Oh nandito na si Little Bride." Bungad ni Gia. "Tamang-tama. Gutom na ako e." Dana came from her room. Bakit siya nakagayak? Saka bakit nag-aabot ang kilay niya. Problema nito? "Gia, pahiram ng charger." "Kunin mo na lang sa bag." Bumaling sa akin si Gia. "Jem, gayak ka n rin ah. Libre tayo ni mama ng dinner." Sa Filipino food buffet kami magdi-dinner. Kumukuha na sina Dana at Gia ng pagkain nila. Hindi pa nga sila kumakain, pangalawang plate na ang pinupuno nila. "Young Lady, kumusta si Gia?" "Po? Okay naman po siya Ma'am. Magiliw po silang dalawa ni Dana." Napatingin si Maam sa direksyon nina Dana. "Hindi talaga sila mapaghiwalay. Napanood ko iyong video. Nakarating na rin kay Zai. Nakausap ko naman nang maayos. Sa tingin ko hindi muna siya makikialam sa ngayon." "Bakit parang mas takot si Dana sa Tita niya? Overprotective naman ni Ate Zai. I Don't get it. 'Di ba dapat mas okay na kaibigan namin si Dana?" "Alam na alam ni Zai ang consequences na maging malapit sa inyo. Kaya as much as possible, gusto niyang manatili sa probinsiya si Dana o kung mag-aaral man dito ay sa ibang school. And not in MZU." Sanga-sanga na ang history ng mga pamilya namin. Hindi ko na nga alam kung alin ang totoo e, pero tama naman na may kaakibat na peligro kapag naging malapit sa amin. Ngayon pa nga lang, marami na ang inggit sa kanila. "Gustong pumasok ng aking Gia sa Brightside. Dalaga na talaga ang anak ko." "Academy po?" Umiling si Maam Celeste. "Sa Security. Hindi ko alam kung paano siya kukumbinsihing huwag ituloy. Natatakot ako bilang ina." Naputol ang kwentuhan namin dahil dumating na sina Dana. Magkatapat kami ng upuan. May paligsahan yata sila ng paramihan ng makakain e. I can't believe this two! "'Tol, hinay lang. haha! Ubusin mo 'yan. Langya ka. Empatso tayo nito! Haha!" hinihimas-himas ni Gia ang tiyan niya. "Kuha pa tayo ng salad." Umiling-iling na si Dana. "Busog na 'ko. Uwi na tayo pagkatapos nito. Baka tawag na ko ni Kube!" They're talking like sila lang ang nandito? She's not even throwing a glance at me! Damn this woman! Nakikipagsukatan ba siya ng pride sa akin? Kasi kung oo, hindi ako magpapatalo! Hmpf! --- Nakauwi na kami. Isasama pala ni Maam Celeste si Gia sa Batangas. Hinatid sila ni Dana sa gate. I'm still pissed off with her! Pagkapasok niya dumeretso siya sa kusina. I'm at the edge of my anger and I really need to confront her! Nakakainis kanina! Sinundan ko siya. "Dana, we need to talk." "Hmm? Nakikita mo ako?" she said with her amused face. God! That sarcasm! Nakakasora! "Huh? What are you talking about?" inis ko pa ring tugon sa kanya. "Ikaw tong kanina pa nakakainis. Parang kayo lang ni Gia ang magkasama." "Sa naalala ko, hindi mo ako pinapansin nitong mga nakaraang araw. Hindi ko na nga rin pinapansin si Tita para hindi mo sabihing OP ka e. So anong pakiramdam ng hindi pinapansin? Masakit 'di ba?" Nakakainis! She really pisses me off! Paano niya nagagawang pagsalitaan ako ng ganun? I'm Jemimah! For Pete's sake! "Nakakainis ka!" s**t! Brown out! Napatili ako sa takot! Napakadilim. Hindi ko alam kung saan ako tatakbo. Yung phone ko! Kailangan ko ng ilaw! s**t. s**t! Nabitawan ko pa. Damn! Nanginginig na ako. It's too dark! It's creeping me out. Ang alam ko may generator tong bahay. It's damn automatic! Bakit hindi agad angswitch?! Baka may masamang loob na nakapasok. s**t! s**t! Someone grabs my arm. I screamed in fear. Winawaksi ko ang kamay niya pero hindi ko magawa. Damn it! Hindi ko na napigil ang iyak ko. "Shhh... Ako lang 'to." It's Dana's voice. "Brown out lang. Huwag kang magpapanic." I can't help but panic, okay? Walang security dito. Paano kung may ibang taong nakapasok dito?! Iginiya niya ako patungo sa sofa. Small steps lang ako dahil baka matalisod ako. Wala rin siyang phone para sana gamitin naming ilaw. Ilang beses siyang may nabanggang furnitures. Finally we got to reach the sofa. "Kukunin ko 'yong phone ko sa kwarto namin. Dito ka lang." "You're gonna leave me here? Paano kung may multo?! Paano kung may magnanakaw?!" hinigpitan ko ang hawak sa braso niya. "You're not leaving. Hintayin nating mag-resume ang power." "At kung hindi bumalik? Dito lang tayo sa sofa? Ipikit mo ang mata mo. Imagine mo nakapikit ka. Mabilis lang ako." Ginawa ko ang sinabi niya. Pumikit ako. Napakatagal naman niya! "Dana! Angtagal mo naman!" "Teka lang naman!" narinig ko ang mga yabang mula sa kwarto nila. "Oh mulat ka na." Finally! May konting liwanag! Hinanap niya ang phone ko. God! It's broken! Basag na basag ang screen. Hindi rin mag-switch on. Malas! Dana's going out daw to check kung lahat walang kuryente. Damn her? Ayokong maiwan dito mag-isa. Nakahawak ako sa laylayan ng damit niya. Buong street nga walang kuryente. May mga tao rin sa labas. Mga phones din nila ang gamit nilang ilaw. Ilang sandali pa nag-resume na rin. Thank God! Akala ko magdamag na madilim. Hindi pa kami pumasok ng bahay. Baka prank lang daw 'to sabi ni Dana. Parang ewan to tingala nang tingala. Natuon ang pansin niya sa may transform. May dalawang bahay ang layo sa amin. "Saan ang breaker?" tanong niya na hindi ako tinatapunan ng tingin. "Sa likod. Papuntang laundry Area. Bakit?" Hindi siya sumagot. Hawak-hawak niya ako sa kamay papuntang laundry area. She turned her phone's led light. Tsk. What on earth? She switched the breaker off?! "Are you crazy? Angdilim!" Shit! There's an explosion! Napakatakip ako ng tainga. Anglakas! May pagsabog ulit! Sumiksik ako kay Dana. These explosions are getting the most out of me. --- 'Yung transformer ang sumabog kanina. Problema naman sira nga ang generator. Sobrang malas! "Dito na lang tayo sa sala matulog? Sa sofa ka. Sa comforter na lang ako." "Baliw ka ba? Paano kung may magnanakaw? O kaya murderer? You're not thinking Dana!" Tinutok niya sa akin ang ilaw ng phone. "Ovethinker ka naman Jemimah!" panggagaya niya sa akin. Nakakainis! "Napaka-paranoid mo. O anong suggestion mo? Sa kwarto mo o kwarto namin?" Sandali akong nag-isip. Kung sa sala kasi delikado nga. Baka may manamantala sa kawalan ng kuryente. Ayoko naman siya sa kwarto ko. Sa room na lang nila kami matutulog. Ilaw pa rin ng phone niya ang gamit namin. Kinuha ko ang unan at kumot ko sa kwarto. "Diyan ka na lang sa space ko." Sabi ni Dana. "Dito ako sa bed ni Gia. Magtiis ka muna sa alinsangan. Di bale hindi naman malamok dito." Ginamit niya ang mini ring light ko at powerbank ni Gia. Yan may konti kaming liwanag. Kinuha niya ang unan niya makahiga na ako sa bed niya. She called someone. Umupo siya sa bed ni Gia. Kita sa konting liwanag ang pag-aabot ng kilay niya. "Tita, okay kami. Don't worry. Basag ang phone ni Jem kaya hindi nila matatawagan. Opo." Inabot niya sa akin ang phone. "Kausapin ka raw..." Si Ate Zai pala. Naupo siya sa tabi ko. Inaayos niya ang pagkakapusod ng buhok niya. "Hello po..." "Jem, kumusta diyan? Gusto mo bang ipasundo na namin kayo?" Napatingin ako kay Dana. Nakahiga na siya. Nakaharap sa pader. "Uh hindi na po. Okay lang kami dito Ate. Pakisabi rin kena mama. Nasira ang phone ko e." "Sige sige. Bukas na lang namin kayo susunduin. Dito na muna kayo sa bahay." "Huwag na po. Don't worry po. Okay lang kami dito." Hay. Pero parang gusto ko doon kena Ate Zai bukas. Boring dito sigurado kung hindi pa maayos ang transformer. Binalik ko na ang phone niya. Pawis na pawis ako agad. Gosh! Binuksan niya ang bintana. May grills naman kaya okay lang na buksan. Kumuha siya ng ilang papel. Nilagay niya sa likod niya. Inabutan niya rin ako ng ilang piraso. "Mas maigi to ilagay sa likod mo baka pagpawisan ka pa lalo. Kuha ka na lang mamaya pag nagising ka. Good night." ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD