Kabanata 60 "YOU know that I've got pregnant before?" pag-uulit ko nang tanong kay Giselle. Sandaling binalingan niya muna ako bago hinarap ang kaninang pinipirmahan. Inabot niya 'yon sa 'kin nang marahil makitang nagawa na niyang pirmahan ang lahat ng pahina. "May lumabas din namang balita sa dyaryo tungkol sa pagbubuntis mo. Kaya 'di rin naman nakaligtas sa akin ang bagay na malaman 'yon. Iniwasan mo na kasi ako ng ilang buwan dahil na rin sa crucial months ng pregnancy mo," paliwanag niya. "I—I don't know. Wala akong ideya na may lumabas na balita tungkol sa 'kin," gulat kong usal. Pumikit-pikit siya saka sandaling nag-isip. "Siguro masyado ka ring naging busy lalo't fixated ka rin sa pag-aaral during that time. I understand." Ibinaba na niya ang bata nang magsimulang maglikot 'yo

