Kabanata 58 "MEAGAN, please talk to me..." pakiusap ni Mikhail habang inaalog ang magkabilang balikat ko. Aandap-andap ang liwanag na naaabot ng paningin ko. Mabigat maging ang dibdib ko. Habol ang sariling hininga nang pilit kong imulat nang maigi ang mga mata. Sunod kong narinig na malutong na nagmura siya na labis kong ikinagulat. I never heard him curse nor even lose his own composure. I held his hand nang mayamaya'y maramdaman kong umangat ang katawan ko mula sa lupa. Someone also held my hand before when I almost died from drowning. Umihip ang malamig na simoy ng hangin dahilan para mangatal ako sa lamig. Naglakbay ang mga braso ko upang iangkla ang mga 'yon sa likod ng leeg ni Mikhail. Dumampi tuloy sa balat ko ang mainit niyang hininga. Ang katahimikang dulot ng lugar ay

