Kabanata 51 "MOMMY, look bubbles!" tawag ng anak kong si Azul sa atensyon ko pagkapasok ko pa lamang ng shower room. Nakangiting napabaling ako sa direksyon kung nasaan ang anak kong nang makitang balot na balot ng bubbles ang buong katawan niya. Mukhang naglalaro lamang sila ni Mikhail. Agad na nilapitan ko siya upang tanggalin gamit ang kamay ko ang ilang bula na humaharang sa napaka-cute niyang pisngi. My son will be really good looking when he grew up. Walang duda sa bagay na 'yon, nakakapanghinayang lang na wala siyang kahit na ano'ng namana sa 'kin bukod sa ilong siguro. Matangos kasi ang ilong niya, baka 'yon ay namana niya mula sa akin. "Why are you staring at him that intently?" Mikhail asked suddenly. Binalingan ko siya na ngayo'y nakasuot lamang ng swimming trunks. Ang ine-

