Kabanata 48 Daniel "WHO the heck are you?" mariing tanong ko. Agad kong hinagilap ang comforter at ibinalot 'yon sa katawan. "How did you get inside my room?" 'di ko mapigilang itanong nang hindi sagutin ni Giselle ang unang tanong ko. She scoffed as she scanned my whole body. "There's no need to cover your body. It is not even an inch comparable to my co-models in Paris." I sneered. "Wala akong paki. Siguro naman alam mo ang salitang privacy?" "Alam ko 'yon, pero ano'ng ginagawa ng taong sumusulat ng mga mapanirang article sa kompanya ni Meg?!" I flinched. How the hell did she recognized me? Is she close to Meg? Someone like Meagan has a friend? She sounds like Meagan's friend for me. "Ano ngayon?" pagkunwa'y pagsasawalangbahala ko sa natuklasan niya. Muling mapang-asar na n

