Kabanata 25 Years ago... UNTI-UNTI ko na idinilat ang mga mata, muling tumambad sa akin ang madilim na silid na malapit ko ng makasanayan. Dahan-dahan akong bumangon ng kama at pilit na inaninag ang pinto. There's no one inside my dark room. Salamat sa liwanag na nanggagaling sa sumisilip na buwan sa labas ng bintana ko kaya't nagawa kong maglakad nang hindi tumutumba patungo sa vanity table ko.. Tinitigan ko ang sariling repleksyon mula sa salamin na naroon. Habang tumatagal ay nagsisimula na akong magmukhang gumagalaw na bangkay. "I'm hungry..." I uttered to myself. Muling narinig kong kumulo ang sikmura ko sa gutom. "I know there is no food outside," wika ko. Kausap ang sarili habang hinakbang ko ang mga binting hirap ko na ring ikilos dahil dalawang sunod na na araw na hindi p

