Two

2434 Words
Caroline Elora "Now, tell me Ms. Galvez, whom did you get this from?" Tanong sakin ni Principal Seymour habang hawak hawak yung cheat sheet that stupidly fell from my pocket during the pop quiz this morning.  What a codger. Pambihira talaga, pag minamalas ka nga naman. Minsan talaga Cara, napa careless mo! But I'm not a snitch. Magsasawa din siya kakatanong sakin, pero never ako aamin. "Principal Seymour, I told you I don't know anything about that cheat sheet, for all I know someone just stuffed it in my pocket. I'm innocent." Itinaas ko pa yung mga kamay ko para bentang benta ang innocent look. "Young lady, we both know that this is not the first time you were caught cheating on a math quiz." He sounded impatient. Oops. Oo nga pala. "Then why all the follow up questions? You could've just sent me directly to detention of laid whatever punishment you have for me.." I crossed my arms as I stand my ground. Naks, don't worry naka ilang ulit ko na din naman tong nagawa hihi. "Alam niyo naman po ang totoo diba? I've been honest from the very beginning that I suck at Math, and this is not me acting up Principal Seymour. This is not because of a rough childhood or bullying." See? I am such a brilliant wise ass! "I just really suck at numbers. Napakasimple. Ayaw sakin ng math, at mas lalo namang ayaw ko sakanya. May mga bagay na hindi natin pwedeng ipilit Mr. Principal.Hindi po ako nagrerebelde, talagang hindi lang katanggap tanggap na itong napaka ganda kong mukha ay bobo sa Math." I even pouted, nagpapaawa. "I have a very loving family, thank you very much."  He groaned in frustration, and I can't help but smirk. Check mate. Napakamot siya sa panot niyang ulo at bumuntong hininga. "Ikaw at yang matalas mong dila!" I swear napaka priceless ng reaction niya every time he catches my mischief. Pero nginitian niya ako ng nakakaloko. Uh-oh.. "Very well, you're on detention for a month, and I'm assigning you on basketball practice duty. Ikaw mag rerefill ng mga waterjugs ng players at ikaw din magkolekta ng mga bola at kalat nila pakatapos ng practice. Ikaw na din ang kukuha sa school cafeteria ng snacks nila, and you will help in cleaning the towels that they are using." He smiled in victory. Bloody hellll-- Seriously? Water jugs? Pambihira, pati mga bola at tuwalya nila?? Yuck!!!  Naisip ko pa lang ang germs nung mga bola naduduwal na ako. Panigurado ako ang babaho non dahil sa mga pawis ng mga players. God, no. "Yun lang ho ba?" I replied trying to act unaffected. Bloody freaking hell! Hindi niya ako matitinag basta basta!! HUHUHU Kahit pa allergic ako sa crowd at sa germs. "Yes, that's all for now, Ms. Galvez. You're dismissed. Here's your detention slip." Inabot niya sakin yung pink na papel at binaling na ang atensyon sa computer niya. "Right. " Pinaikot ko ang aking mga mata sa sobrang inis and dragged my impossibly heavy steps towards study hall. Pero bago yun, I attached a small patch at the back of his CPU. Humalakhak ako ng parang kontrabida sa utak ko. That patch will temporarily freeze his computer and erase all his data..well, babalik lang naman yun after a week. I don't usually do this, pero grabe naman kasi ang parusa niya. Kinuha ko phone ko at nagtext kay Marj. _______________________ To: QueenM  Nahuli nanaman ako ni Mr. Panot. Kung may buhok lang talaga siya kakalbuhin ko siya!!! Grrr _______________________     Kaagad naman siyang nagreply. _______________________ From: QueenM  I swear ur an anarchist Cara! Daanan kita maya sa study hall. Bilhan mo kaya siya ng wig? LOL XOXO _______________________       I fumbled with my phone and replied quickly. _______________________ To: QueenM  Hindi ako anarchist, biktima lang ng pagkakataon! Pwede! Humanda siya uutusan ko sina tweedledee at tweedeldum na deliveran siya ng wig bukas!! bwahahahahha*evil smirk* _______________________     Ibinulsa ko ng ang cellphone ko at pumasok sa study hall. It seems like it's a full house today. Hinagilap ng mga mata ko yung mga pasaway kong detention buddies. Huh. Wala sila ngayon. Huminga ako ng malalim at dumiretso sa pinakadulo ng hall malapit sa bookshelves. Wala pa naman yung bantay namin, tamang tama pwede pa akong umidlip. Kinuha ko yung earphones ko at inayos ang music player para naka shuffle.  Ng sigurado na ako sa playlist na napili ko, pinatong ko ang aking mga braso sa mesa para gawing unan at pinikit ang aking mga mata. Perks of detention. Sweet dreams, myself.. ---- Simon Cloud "What the f**k Sylvestre? You're screwing my girlfriend now?" Nauna kong naramdaman ang kamao ni Ryan sa mukha ko bago ko narinig ang galit na galit niyang boses. "Tang ina mo, Evora!" Sigaw ko habang minamasahe ang parte ng mukha kong natamaan niya. "Kinakausap ko lang naman ang malandi mong girlfriend. If you're so afraid of losing her, why don't you go buy and put a leash on her." Badtrip kong sabi at marahas na pinunas ang dugo sa bibig ko. "Hindi ako aso para talian! Gago ka Cloud!" Rebecca, his girlfriend shouted, clearly caught by his boyfriend trying to flirt with me. I can't help it if I'm that irresistible na kahit may boyfriend na siya lumalandi pa din sakin. "Shut your slut mouth, and don't you dare call me with that name!!Really Rebecca? Bakit hindi mo sabihin diyan sa boyfriend mo kung ano yung gusto mong gawin sakin diyan sa shower?"  I'm starting to get annoyed. Ang ayoko sa lahat, mga sinungaling. "f**k you Sylvestre!" Ryan was about to throw another punch at me, but my fist was more alert now, instantly colliding with his gut, then another to his face. Akala niya yata makakaisa pa siya sakin. "Pussy." I smirked while the asshole was curled into a ball, his girlfriend trying to console him. I don't give a s**t kung isa siyang Evora, he's a f*****g tool. "Simon Cloud Sylvestre, in my office now." Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng marinig ko ang boses ni Coach Stanton. "Tang ina!" Tinapunan ko ng tingin yung dalawa at sinundan na si coach. Ryan just smirked at me. --- "Sabihin mo saakin, what the hell was that stunt that you just pulled Sylvestre?" "Siya po ang nagsimula coach. I can't help it, if his girlfriend was always trying to flirt with me. Nag assume lang siya. Besides, she's not my type." Minasahe ko yung sinuntok ni Ryan. Tang ina, malakas din siya sumuntok. "Alam kong magaling kang magbasketball Sylvestre, matalino ka at wala kang bad record." Proud akong ngumiti sa mga sinabi niya.  "Pero hindi na biro itong napapabalitang kung sino sino ang tinatalo mong babae, pati ba naman girlfriends ng teammates mo? Co-captain ka ng team. Kung hindi ka lang magaling maglaro, matagal na kitang pinalipat sa ibang sports." Nawala ang kaninang ngiti ko. "Ngayon, mapipilitan akong bigyan ka ng detention sa loob ng isang buwan. Mag aatend ka din ng guidance class. Ang bata mo pa para paikutin yang mundo mo sa mga babae. Hindi ka matutulungan ng libog mo na patakbuhin ang kompanya ng tatay mo. Ayuson mo ang sadiri mo noy! (Ayusin mo ang sarili mo, bata!)" Tinanngal niya ang jacket niya at sumbrero. Hindi na ako nagulat sa mga sinabi ni coach. Kahit kailan talaga unfiltered pero may laman ang mga pangaral niya samin. Kaya naman lahat talaga kami nakikinig sakanya. Sabagay, kaysa naman si Sister Mary Asuncion ang mag pangaral sakin, baka isang daang hailmarys at kumanta tuwing first Friday mass ang ipagawa sakin 'nun. Well, hindi ko pa naman yun naexperience, pero yun ang kadalasang napapabalita dito sa school. Nagtiimbagang ako at yumuko. Alam ko, may kasalanan din ako. "Pero coach--" he cut me off before I could even reason out. "Not a word from your smart mouth Syvestre, do as I say, or your father will hear about this. You're a senior for Pete's sake. Grow a pair and start acting like one." Inabot niya sakin yung pink slip at hindi na ako hinayaang maka sagot pa. Tang ina mo Evora. I fisted the piece of paper and proceeded to study hall. Buong pag aaral ko, ni hindi ko pa na experience ang detention. Bumuntong hininga muna ako bago pumasok sa silid kung saan pinapatapon ang mga pasaway sa school. Narinig ko dati, pinapanood daw ng halos apat na oras ang mga estudyante ng video documentary tungkol sa aids at may nagsabi din na pinanood daw sila ng limang oras na video tungkol sa pag gagansilyo. What the f**k. Of course everyone noticed me.  Ako lang kasi ang naiiba sa lahat, ako lang ang nakasuot ng basketball jersey.  Silang lahat ay may mga sariling mundo. Medyo na self concious ako dahil sa mga nakatuon na mata sakin. Pero iba yung mga titig nila, hindi katulad ng usual--na may pag hanga at minsan nga may nag aabot pa ng panty nila sakin. I am not kidding. Pero dito--pinasadahan lang nila ako ng tingin na parang wala lang.  May mga nagtaas pa nga ng kilay at umiling iling, na para bang hindi ako pwede dito. 'Great, the fuckboy  is here.' 'Pati ba naman dito? Girls, umayos kayo ayan na yung walking std.' 'Yabang talaga, hindi man lang muna nagpalit ng jersey niya.' 'Akala mo naman kung sinong anak ng mga founders,who are the Sylvestre's anyways?' 'Kung hindi lang yata sa multi trillion net-worth niyan I bet their family won't be allowed in here.'  Wow, this is a first. And they were not even trying to whisper. So this is how it feels to be an outcast. Nakakagago din pala. People may assume that Andrade Prep is full of snobs and rich brats, and that is partly true, but our highschool life doesn't even resemble those movie sterotypes. Lahat ng estudyante dito ay galing sa mga kilalang pamilya na nakatira sa Imperial Grande, and there are no outsiders allowed. Meron ding exemption--kagaya ko, but it's so rare for the founders to let any outsider build a home here in Imperial Grande. Ahh, yes kahit saan naman may social hierarchy, and rumor has it that most of the students that are thrown in detention comes from the founding families. Everyone here has something to say, and it doesn't go unnoticed.    Kaya mas nakaka gago ang pagkapunta ko dito dahil sa mga malaman nilang bulong bulungan. Ni minsan kasi, hindi pa na dedetention ang miyembro ng Andrade Prep Wolverines.  Coach Stanton sees to it that everyone on our team behaves well.  Hindi ko talaga alam kung anong pumasok sa isip ni coach at ako pa yata yung exemption sa rule na yon. Isa pa, wala akong kasalanan. Hindi ko naman mapipigilan yung mga babaeng magkandarapa sakin. Inilibot ko ang mga mata ko para humanap ng maayos na puwesto, balak kong tulugan na lang kung ano man ang ipapanood samin ngayon. Nahagip ng tingin ko ang gilid ng hall. Jackpot, walang nakaupo. Nag lakad akong pangiti ngiti pero natigilan din ng mapansing meron ng nauna sa ideya ko doon. Meron ng natutulog. It's her. The chick with the horn rimmed glasses and sexy hoodie. Tang ina. Hindi ko mapigilang tabihan siya at pagmasdan ang natutulog niyang mukha. Nakaponytail yung brown niyang buhok, habang may nahuhulog na sidebangs sa pisngi niya.  Ano kaya ang kulay ng mga mata niya? Meron siyang nunal sa ilong niyang matangos, halatang hindi purong Pilipina. Shit, ang sexy nung nunal niya. Pero para akong na frozen nung dumako yung mata ko sa naka pout niyang mga labi. Medyo nakaawang pa ito--tang ina talaga. I wonder how smooth it is, how it would feel against mine. I felt the dude in my pants move. Tang ina, ganito ba talaga pag teenager at ang bilis kong ma turn on? Marahan kong inadjust yung jersey short ko. Whoa, hindi naman ako tinitigasan ng ganito dati ah. Tang ina umayos ka! Matagal ko na din siyang nakikita kasama ni Marj--yung girlfriend ng bestfriend kong si Sebastian. Never pa kasi kami naging classmates, at kung meron mang subjects, malamang yun yung mga exempted ang members ng varsity. Lagi siyang naka hoodie at bitbit ang camera niya. Ang ipinagtataka ko lang, bakit hindi ko man lang siya pinagtangkaang kausapin noon? And I don't even know her name, lagi ko lang naririnig sa locker room yung bansag sakanya na 'Hot Nerd' dahil daw nakasalamin at laging naka hoodie pero kahit anong tago, halatang sobrang sexy. Minsan naman 'Her Royal Hotness'--this I heard from Cole and Ryan f*****g Evora. Maybe because I'm an asshole. Tama. She has this innocent aura that I was afraid I'd taint. Besides, I'm already spoken for. Pero hindi ko napigilang hawiin ang mga nahulog niyang buhok sa pisngi at ipitin yon sa tenga niya. The first graze of my fingertip on her cheek sent bolts of unbelievable electricity down my spine. Fuck, ano yun? "Anong ginagawa mo?" Before I could pull away from her face, the chick with the horn rimmed glasses opened her eyes, her tone irritated. Medyo napalakas yung boses niya dahil naka earphones. She looked at her phone and paused the player. "Uhh..Nahuhulog kasi yung buhok sa pisngi mo.." I managed not to stutter. Grey. That's the color of her eyes. Fucking sexy. "My hair fell on my cheeks?" She chuckled sarcastically, adjusting her glasses and removing her earphones. Pero hindi yung nakakahalina niyang tawa ang nagpatindig sa balahibo ko--- damn, ang seksi kasi ng british accent niya. Ngayon ko lang siya narinig magsalita ng hindi iritado katulad kanina, and it was f*****g spine tingling--the good kind, damn the hot kind. "Y-yes." Nauutal kong sabi, pero agad namang nakabawi "Ako nga pala si Simon Cloud." I quickly reached out my hand for her. "You're a creep, Cloud." She was about to put her earphones on, but I stopped her arm. Napangiti ako sa pagtawag niya sa pangalan ko. Teka, kailan pa ako natuwa pag tinatawag akong Cloud?  Si mom lang ang may karapatang tawagin ako nun ah? Sa lahat kasi ng pinangalan sakin Cloud pa, I just don't like the fact that it sounds unusual.  Shit, ano ba ang nangyayari sayo Simon? "I didn't get your name." Nginitian ko siya, the kind of smile that girls are swooned over by. "That's because I didn't give it." She did not flinch a bit, instead, she covered her ears and from what I can hear, she pressed it up to the max volume so that she couldn't hear me. Kinagat ko ang labi ko at umiling iling. Huh. She's..something. ∴ ∵∴ ∵∴ ∵∴ ∵∴ ∵
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD