Nakaupo lamang ako habang hinihintay na matulog si sir, nakahiga siya sa sofa habang nanunuod ng palabas sa TV.
Gustong-gusto ko na sanang lumabas sa kanyang silid pero wala Pa siyang sinabi na lumabas ako, baka kung magpaalam ako ay bigla nanaman siyang sumigaw.
Lumipas ang isang oras at pinatay na niya ang kanyang pinapanuod at naglalakad na siya papunta sa kanyang kama, kanya kahit natatakot ay naglakas luob na akong magpaalam sa kanya.
S-sir p-pwede n-na p-po b-ba a-kong l-lumabas, nauutal kong sabi kay sir, ngunit hindi ko inasahan ang kanyang gagawin bigla siyang tumayo at naglakad papunta sa aking harapan.
Kailan ko pa sinabi sayo na pwede mo akong pangunahan sa mga gusto kung gawin, kunot noong sabi ni sir, sabay suntok sa sikmura ko.
Hindi ako nakasagot at namimilipit sa sobrang sakit, nag uunahan sa paglandas ang aking mga luha sa sobrang sakit ng kanyang ginawa.
Masakit ba? Si sir habang galit paring nakatitig sa akin.
S-sorry p-po s-sir h-hindi n-na p-po m-mauulit, umiiyak at nauutal kong sagot sa kanya habang nakayuko at umiiyak.
Good, si sir habang bumabalik sa kanyang kama.
Umupo ako sa may sahig at sumandal sa pader, sobrang sakit aking katawan lalong-lalo na ang aking tiyan, umaagos lamang ang aking mga luha hanggang sa kinain na ako ng dilim.
Nagising akong nakahiga sa sofa, hindi ko alam paano ako napunta dito, siguro naglalakad ako habang tulog, bulong ko sa aking sarili.
Biglang bumukas ang pinto sa mga damitan ni sir at lumabas siya, bagong ligo na si sir at ang suot niya ay formal, katulad ng kanyang suot ang mga nakikita kung suot ng mga taong bumibili sa iba kung kasamahan sa ampunan.
Nakasuot siya ng long sleeve na parang dark blue ang kulay, ang kanyang pants na kaparihas din nito ng kulay, kulay itim naman ang kanyang suot na sapatos.
You can go outside, si sir habang inaayos ang kanyang damit.
O-ok po sir, sagot ko sa kanya at nagmamadaling lumabas.
Mabilis akong pumasok sa aking silid at pumasok sa banyo, upang makaligo, pagkatapos kung mag bihis ay nagmamadali na akong lumabas at nagtungo sa kusina, upang makakain na, ngunit nandito ang mga kasamahan ko at kumakain pa, kanya nakatayo lamang ako sa gilid at hinihintay na matapos sila sa pagkain.
Carla hali kana dito sumabay kana sa amin, si manang habang nililingon ako.
Nahihiya ako habang tumango sa kanya, akala ko hindi din ako papansinin ni manang gaya ng ibang mga kasamahan ko dito.
Kumuha agad ako ng pinggan at nilagyan ng ulam bago umupo sa dulo.
Iha gusto mo bang sumama sa akin ngayon mag grocery, (si manang).
P-po, baka po pagalitan ako ni sir pag lumabas po ako, sagot ko kay manang.
Wag ka ngang mag inarte Carla buti nga isama ka ni manang sa labas at wag ka ngang magpapatawa, dahil wala naman pakialam si sir Dom sa mga gagawin mo. Si Naomi habang nakataas ang kilay sa akin.
O-ok po manang sasamahan po kita, sagot ko nalang kay manang.
Nakasunod lamang ako kay manang habang papunta kami sa sasakyan, si manang Ambo ay nakatayo lamang malapit sa sasakyan.
O Gloria aalis naba tayo, (si manang).
Oo ambo bilisan mona para hindi tayo maabutan ng sobrang traffic, (si manang).
Pumasok na kami ng sasakyanat sa likod lamang kami naupo ni manang at nilagyan niya ako ng parang tali, diko naman alam kung para saan ito,
Siguro iniisip ni manang na tatakas ako, bulong ko sa aking sarili.
Hindi parin nawawala ang pagkamangha ko sa labas, dahil ito pa ang ikalawang beses na nakalabas ako ng bahay, tuwang-tuwa ako habang tumitingin sa binta.
Nakarating kami sa napakalaking bahay at maraming tao ang pumasok at lumalabas dito, may nakatayo din sa gilid na guard babae at lalaki malapit sa may Pinto.
Manang ang laki naman po ng bahay na ito ang dami pang tao, bulong ko kay manang habang naglalakad papasok.
Mall ang tawag dito iha, sagot ni manang habang naka ngiti.
Ah ganun po ba manang mall po pala tawag dito.