Sam's POV
"Even him.."
"Even him.."
I stiffed. Pati siya? Bakit niya kailangan pang bumalik? Edi ba umalis siya? Sabi niya umalis na kami sa buhay niya?
Kami? o ako lang? Hahahaha. Grabe. Siguro ako lang talaga ang gusto niyang alisin sa buhay niya.
FLASHBACK
"Samantha, can we talk?" sabi ng batang lalaki. Well hindi na naman talaga bata ito. Parang binatilyo na din.
"Sure, sure!" masayang sabi naman ng batang babae.
"Here." inangat ng lalaki ang kamay niya at ibinigay sa batang babae ang isang sing-sing.
Nagtaka naman ang batang babae kung bakit binibigay sakanya yun ng lalaki.
"Sina-sauli ko na to. I don't need it." cold na sabi ng lalaki kay Samantha. Nagulat naman si Sam dahil sa trato ng lalaki sakanya.
"W-wh-y?" putol-putol na sabi ni Samantha. May namumuo ng luha sa mga mata ni Samantha.
"Because. I don't need that. Wala namang kwenta yan, Samantha. And please GET OUT OF MY LIFE. This is the last time na makikita kita. Just stay away from me. Kalimutan mo na ko." Pagkasabing-pagkasabi ng lalaki ay tumalikod ito at nag-simula ng mag-lakad papalayo sa kinaroroonan ni Samantha.
Si Samantha naman ay nakatulala lang sa kinaroroonan niya. Hindi niya lubusang maisip na bigla na lang ganun ang mangyayari sakanila ng lalaki. Wala naman siyang ginawa rito na masama para pag sabihan ng masasakit na bagay.
"If that's what you want then okay. From now on. I don't know you anymore." tinignan niya ang sing-sing na ibinalik ng lalaki sakanya. Naiyukom niya bigla ang kamao niya.
"AAAAAAHHHHHH!"
*BOOOOOGSH*
Bigla niyang nasuntok ang pinakamalapit na puno sakanya. Biglang tumulo ang mga luhang gustong-gusto ng tumulo kanina pa. Wala siya sarili niya. Gulong-gulo siya.
"Sammyyy!!" Tawag ni King sa pinsan. Nakita kasi ni King ang pag-suntok ni Samantha sa puno at ang pag-iyak nito.
Hindi lumilingon si Samantha kay King. Nakatungo lang ito. Habang tumutulo ang luha niya.
"Sam, what happened?" Alalang tanong ni King kay Samantha.
"King, sabi niya. Mawala na ko sa buhay niya. I don't know what to do right now. I'm hurt. Really hurt!" Yumakap bigla si Samantha at humagulhol ng iyak.
"Kalimutan mo na siya, Sam." sabi ni King. Ramdam ni King ang hinanakit ni Sam. Awang-awa siya dito.
"You need to rest, Sammy. Let's go home."
***
PRESENT
@ Samantha's Condo
"Sam! I'm going. Kakaunin ko pa sila." Sabi ni King. Hindi naman umimik si Samantha. She's nervous!
"Don't worry, Sam. Everything will be alright." Dagdag pa ni King. Sinabi niya ito para pagaanin ang loob ni Samantha. Alam niyang kinakabahan ito. Kilalang-kilala niya ang pinsan niya."Bye. Ingat ka. Okay?" kinissan ni King sa noo si Samantha at tuluyan ng umalis si King sa condo ni Sammy.
***
Sam's POV
Any minute nandito na sila. Paano ko sila haharapin? Siya? Mabuti nga kung yung iba lang kaya kong harapin eh. Pero siya? I don't know.
*Ringgggggg*
'King Calling..'
"Hello, King."
[Sam, I'm with them right now. Will be there in a few minutes. Don't worry, Sam.]
"A-alright. Bye. Take care, King." I ended the call.
Nandito na sila. Kasama na ni King sila. Ibig sabihin pati siya andito na rin.
***
Hindi mapakali si Samantha sa unit niya. Ilang minuto na ba ang nakakalipas wala pa sila. Pero pabor yun sakanya. Gusto nga niyang huwag dumating ang mga ito eh.
Bigla namang may kumatok at ikinabigla niya iyon.
*Knock-knock*
Dahang-dahang binuksan ni Samantha ang pinto nang condo unit niya. Ramdam niyang kinakbahan siya. Huminga muna siya ng malalim bago buksan ang pintuan ng pad niya.
"Hello there, Samantha Monteverde." gulat na gulat siya habang nakatingin sa bumati sakanya. Naipikit niya ang mata at imunulat muli yoon. Hindi niya inaasahan ang bisita niya.