*** Third Person's POV @ St. Paul University Ngayon ang araw ng Foundation Week ng mga taga St. Paul University. Ang mga orgs ay busy sa mga kani-kanilang booth. Mag-isa lamang na nag-lalakad ng hallway ng school si Samantha na parang walang pakialam sa nangyayari sa paligid niya. Tuloy-tuloy lamang siyang nag-lalakad ng hindi niya alam kung saan pupunta. Napatigil na lamang siya ng may marinig siyang ingay sa isang abandoned room ng University. Ayaw man niyang tumingin dito ay hindi niya kung bakit hinihila ang paa niya pa punta dito. Kaya naman tumago siya malapit sa abandoned room at pinakinggan kung ano ang ingay na iyon. She smirked when she heard the noise. 'They're making out in abandoned room? Really huh?' Sabi niya sa isip niya. Paalis na sana siya ng biglang nag-sink in s

