Chapter 22 Kervin's POV "Hala namamaga?" Natatarantang sabi ni Isay "Aw. Ang sakit." Sabi ko kay Isay "Sandali kukuha ako ng yelo." Sabi niya tapos pumunta siya sa kusina Pinapasok niya ako kanina sa tinutuluyan niya. Ang lakas kasi ng pagkakabalibag niya sa pinto kanina eh. Masakit pero na-enjoy ko. Kung kapalit ba naman ng sakit na ‘yon eh ang makasama ulit si Isay, kahit ipaputol ko na ‘tong kamay ko! Maya maya bumalik na si Isay na may dalang yelo na nakabalot sa towel. Nilagay niya agad sa kamay ko ‘yon. Pucha, para akong teenager na kinikilig sa crush ko ngayon! Ang pinagkaiba nga lang, kinikilig ako sa asawa ko na. "Hindi maganda kulay mo ngayon ah? Lagi kang umiinom no?" Tanong niya "Hindi ah. Hindi lang ako nakakatulog sa gabi." Sagot ko agad "Eh baliw ka pala eh. Bakit d

