DALAWANG SANGGOL

1312 Words
Sa pagpasok ng heneral sa silid ay bumungad na kaagad sa kanya ang malansang amoy sa hangin. Pinagsama-samang amoy ng dugo, pawis at tae ang nandito ngayon. Nasusuklam siya sa ganitong amoy at sino ba naman ang hindi? Marahil ay hindi na naman siya makakakain ng hapunan ngayon dahil dito. Sa paglalakad niya sa loob ay napansin niyang ang lahat ng mga mata ay nakatingin sa kanya ngayon na para bang nakakita sila ng isang demonyo. Pangkaraniwan na lang ang ganitong reaksyon kay Ralph at sanay na siya rito. Tama. Matakot kayo sa akin. Maingay rin ang lugar na ito ngayon dahil sa kasalakuyang nanganganak na mga ina. Alam lahat ng sundalo na nakapiligid ngayon kung gaano naiirita ang kanilang heneral sa mga ganitong klaseng ingay at hindi ito magandang bagay kapag nangyayari ito. Sa unahan ng heneral ay marami ang nakikita niya ngayon na nakapanganak na at kapiling na nila ang kanilang mga anak. Ang iba naman ay kasalukuyan pang nanganganak habang umiiri sa abot ng kanilang makakaya. Sa pagtingin naman niya sa kaliwa ay napansin niya ang nagkukumpulang mga nurse at ilang mga doctor. “HUWAG ANG ANAK KO!” sambit ng boses ng isang ina. “PARANG AWA NIYO NA!” Agad namang naglakad ang heneral papunta sa direksyong iyon dahil nandoon ang kanyang pakay. Mas marami ngayon ang bilang ng mga buntis kaysa noong nakaraang taon na nasa halos limampu lamang. Nang malaman ng mga tao ang tungkol sa mga subhuman ay mas naging kaunti ang nangangahas mag buntis sa buwan ng Hulyo at Agosto. Sino ba naman ang babae na gugustuhin na manganak ng isang subhuman  na ‘di kalauna’y papatayin lamang ng gobyerno para sa kaligtasan nilang lahat? Magkagayunman ay kinakailangan pa rin ng mga sakripisyo upang mayroong magluwal sa huling araw ng Advent Season. Kaya gumawa sila ng batas na taon-taon ay kinakailangan na may limang-daan na kababaihan ang ikukulong nila sa gusali na ito upang magdalang tao hanggang sa kanilang kapanganakan. Ginagawa nila ito sa buwan ng Nobyembre. Kung walang magbubolintaryo ay gagawin nilang sapilitan ang pagpili nila sa mga babae. Hindi limitado sa iisang ina ang pagkakaroon ng anak ng mga subhuman. Kadalasan ay dalawang ina ang manganganak nito. Isang ina para sa Akuma at isa pa para sa Jinzo. Sa buong kasaysayan ay iisang beses pa lamang sila nagkaroon ng kambal na subhuman. Palaging nauunang ipanganak ang Akuma at ito na palagi ang nangyayari mula pa man noon. May ilang minuto lang ang pagitan bago ipanganak ang Jinzo. Nahawi ang daraaan ng heneral hanggang makita niya ang dalawang babae na kakatapos lang manganak. Ang ina nasa kanan ay umiiyak habang ang nasa kaliwa  naman ay sumisigaw. May mahabang buhok ang ina na nasa kanan. May malaki itong pangangatawan at maputing kompleksiyon. Habang babae naman sa kaliwa ay kabaligtiran nito. Mayroon siyang kulot at maiksing buhok habang kayumanggi ang balat nito. Iyon lamang ang tanging detalye na nakikita ni Ralph dahil ang lahat ay hindi na kapansin-pansin sa kanyang mga mata maliban sa anak nito. Hawak-hawak naman ng isang lalaking doktor ang dalawang sanggol. Umiiyak ang dalawang sanggol pero walang tyansa na mapalapit sila sa kanilang mga ina ngayon. Agad namang lumapit ang doktor na may halos sampung talampakan ang layo sa heneral. “Parang awa niyo na,” nanghihinang sambit ng ina na nasa kanan. “”Wag niyong patayin ang anak ko.” “Tandaan mo hindi natin sila anak,” sabat naman ng ina na nasa kaliwa na hanggang ngayon ay hindi pa rin tumitigil sa pagiyak. “Ang lahat ng ginawa niyo ngayon ay isang kabayanihan.” Lumakad ang heneral palapit sa ina na nasa kaliwa. “Pero tama ang sinabi mo.” “Hinding-hindi niyo matatawag na anak ang mga katulad nila,” mariing paliwanag ni Ralph sabay tumingin siya sa mga sanggol. Dito na nakalapit ang lalaking doktor hanggang magkaroon ng kabuuang detalye ang dalawang sanggol sa mga mata ng heneral. Unti-unting nasusuklam ang heneral habang papalapit sa kanya ang dalawang sanggol.  Sa kasalukuyan ay walang paraan kung paano nila malalaman kung sino-sino ang magluluwal ng mga subhuman. Ito ang dahilan kung bakit kailangan nilang tipunin ang lahat ng mga nagdadalang tao sa isang lugar. Tanging sa paglabas lamang nila sa matres mabubuo ang simbolo ng kanilang sumpa na dinadala. Lalaki ang mga sanggol at ang nasa kaliwa ay maputi habang ang nasa kanan naman ay kayumanggi ang kulay katulad ng kanilang mga ina. Naguumpisa ng magkaroon ng buhok ang maputing sanggol habang ang isa naman ay wala pa. Ang mga bituka na galing sa kanilang ina ay nakakabit pa rin sa kanilang mga pusod. Mukhang mga anghel at perpekto ang mga subhuman katulad rin ng mga pangkaraniwang sanggol. Pero may kakaiba sa kanila na hindi maipaliwanag ni Ralph na lumulutang sa kanilang pagkatao. Hindi kaya dahil ito sa awra na mayroon sila? Wala silang bahid-dungis sa mga mata na nakatingin sa kanila ngayon. Mukha silang mga supremong mga nilalang na aakalaing anak ng mga hari at reyna noong unang panahon. Kinamumuhian ng heneral ang ganitong pakiramdam sa tuwing nakikita niya ang mga subhuman. Kinamumuhian niya ang ideya na kahit sanggol pa lamang sila ay nararamdaman na niya ang kapangyarihan na nananalaytay sa mga dugo nila. “Nasaan ang Jinzo?” madaling tanong naman ng heneral sa doktor. Bahagyang iniangat ng doktor ang lalaking sanggol na nasa kanyang kaliwang braso hanggang mapansin ng heneral ang isang simbolo na tila ba’y nakaukit sa likuran nito malapit sa ilalim ng kanyang batok. Perpektong bilog ang simbolo na ito na may isang pulgada ang lawak at laki. Sa loob ng bilog nito sa bandang itaas ay may isang kalahating buwan na naka-pahiga. Sa ilalim naman nito ay may tatlong makakapal na tuldok na kumukorte sa isang triangulo. Ito ang simbolo ng isang Jinzo at hanggang ngayon ay wala pa ring makapagpaliwanag kung ano ba ang ibig sabihin nito. Pagkatapos ay iniangat naman ng doktor ang nasa kanan niyang braso hanggang mapansin ng heneral ang simbolo na nasa ilalim ng batok nito. Kung bilog ang simbolo ng Jinzo ay triangulo naman ang sa Akuma. Kasing laki rin ito ng marka ng Jinzo. Perpektong tatsulok ito na nakapunto paitaas. May tatlong makakapal na tuldok sa tatlong kanto nito. Habang sa gitna sa sentro na tatsulok ay may isang spiral.    “Ibaba mo ang Jinzo sa sahig,” mabilis na utos ng heneral. Agad namang sinunod ng doktor ang utos at walang ilang sandali ay inilapag niya ang sanggol sa malamig na sahig. Dito na nag-umpisang umiyak ang sanggol. Siguro ay ramdam niya ngayon ang sasapitin niya. Binunot ni Ralph ang kanyang baril. Ikinasa. Itinutok niya sa sanggol na nasa sahig. Hinila ang gatilya at pumutok ang baril. Huminto sa pag-iyak ang sanggol sa sahig. “HINDEEEEEEEEEEEEE!” sigaw ng ina na nasa kanang higaan. “ANAK KOOOOOO.” Maya-maya pa ay tumigil na rin sa pag-iyak ang isa pang sanggol na hawak-hawak ng doktor. Huminto na rin ito sa paghinga. Sa pagtingin ng heneral sa Akuma ay unti-unti itong naging kulay asul hanggang maging tuluyang kulay itim. Gumaan ang sanggol na para bang nawalan ng timbang. Hanggang ang bawat parte ng lalaking sanggol ay madaling nawasak at nagkapira-piraso at nalalag papunta sa sahig. Hanggang ang mga labi nito ay naging itim na buhangin. Itinutok naman niya ang baril sa ina na nasa kaliwang kama. “Hindi mo siya anak!” Pinaputok niya muli ang baril. Sa pagkakataong ito ay tumama ang bala sa kaliwang pisngi ng ina. Nagulat ang babae sa bilis ng pangyayari pero kasing-bilis rin nito ang pagkawala niya ng ulirat at ng kanyang buhay. “Patayin niyo lahat ang mga babaeng sanggol,” wika ng heneral sa mga doktor at nurse. “Itira niyo lang ang mga lalaki.” Tumalikod na ang heneral at lumakad na muli papunta sa pinto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD