Hinatid ako ni King pauwi sa condo ko. Walang imikan ang nangyari sa amin simula ng mag-offer siyang ihatid ako pagkatapos ng party. Kagat ko ang labi kong tinagtag ang seatbelt ko. "About what happened..." Pagbubukas ko ng topic. "Hindi ko sinadya ang lahat ng nangyari. Your mother just came out of nowhere and dragged me." I don't want him to think na sinadya ko lahat. Tumango siya at pinatay ang makina ng kanyang sasakyan. "I understand. You don't need to explain. Ako ang dapat na nagpapaliwanag rito." Aniya. Hindi ako sumagot. For now, I just wanna listen. Gusto kong mahingi ang side niya at nang sa ganoon ay mabalanse ko ito. I'm tired. Like what his mother said, matan

