Exclusively Dating. Everytime na may magtatanong niyan ay iyan lang ang naisasagot ko. Then, susundan pa 'yan ng mga tanong na. 'wala pa kayong label?'. The truth is I don't know. Hindi ko siya sinagot noon but after his confession, we are going on dates for three months. Yes, dates. Araw-araw na lamang niya kasi akong hinihigit para kumain ng lunch tapos minsan, tumatambay din sila sa condo ko. "Nandito ka na naman?" Tanong ko pagkabukas niya ng pintuan. Tumango siya at siya na mismo ang umanyaya sa sarili niya na maupo sa couch. "Are you alone?" Tanong ko pa at tumabi na sa kanya. Nasa isang metro ang layo namin. Kahit na kasi 'exclusively dating' kuno kami, hindi pa rin ako kumporta

