Pagkarating sa mansyon ay agad na iniakyat ni Kourt ang kambal. Naupo ako sa couch at natulala. That was too much for tonight. Pumikit ako at kinumbinsi ang sarili na walang maaring ibang kahulugan ang sinabi ni King. That it was just a plain greeting. "Ayos ka lang?" Nagmulat ako ng marinig si Kourt. Pumunta siya sa dako ko. Tumango ako at tipid na ngumiti. Nakapagbihis na siya at umupo sa harapan ko. "Yep. Nag-iisip lang ako about something." Sabi ko at sinandal ang ulo ko sa couch. "Hmm... something? Do you mean King?" Tinaasan ko ng kilay si Kourtney. Agad siyang ngumisi ng makita ang reaksyon ko. "Something na ba si King ngayon?" Pamimilosopo

