Chapter 10: JASLEY

1765 Words
Chapter 10 Summer’s PoV Andito kami nina ate sa Gate, hindi nila alam na mamaya ay andito na sila. Pagka pasok namin sa gate  saktong dating rin ng mga Shaddow Warriors. Ako unang nagpark bale ganito yung naging pwesto namin; [Lavalee][Summer][Winter][Spring][Rielle][Autumn] DRIVEWAY [Random Car][Ice][Sky][Cloud][Neith][Thunder] Nung bumaba na kami sa mga kotse namin pumunta kami sa may papuntang Hallway. “Kaninong kotse yung katabi ng sayo Ice?” tanong ko “Dunno.” Sagot nya tapos nakita namin na palpit na yung Acerz “ATE LAVALEE!!” sigaw nila tapos dinambahan ng yakap si ate Lavalee. Tinawanan ko naman sya. “Kelan ka pa naka-uwi ate Lavalee?” tanong ni Astrid “Kahapon lang.” Sagot naman nya “Ate anong ginagawa mo dito?” tanong ni Cath “Bumibisita lang.” Sabi ni ate sa kanya “Ate may pasalubong kami?” tanong nina Astrid, Cath, Eris, Riley at Zia “Huy Riley, mahiya ka naman.” Sabi ni Thunder sa kapatid nya “Ayos lang Thunder laging ganyan ang Acerz. Nga pala andoon sa bahay namin ang pasalubong nyo Acerz.” Sabi ni ate Lavalee. “Thanks ate!!” sabay- sabay na sabi nila “Tara na.” Yaya ko Nagpaalam na kami kina ate, niyakap naman ako ni ate Lavalee. Pagkapasok namin sa room tahimik pa din kami tapos naramdaman kong nag vibrate yung phone ko tiningnan ko naman si Yelo tapos tumango sya. Ibig sabihin sya yun, tiningnan ko naman ito at tiningnan ang text nya. [Italic ang convo nila.] Hey! What do you want? Nothing We got a new  classmate. Ows? Yeah, Oo nga. Pano mo nasabi? Basta alam ko lang. “Sum, Ice andyan na si Ma’am.” Sabi ni Eris sa amin. “Good Morning Class.” Bati ni Ma’am sa amin pagkapasok nya. “Good Morning Ma’am” sabay – sabay na bati nila. Oo nila dahil di kami bumati ni Ice. Ice’s PoV Psh. Why do I have to have this stupid PoV anyway? Anyways andito ako ngayon sa clasroom kasama si Apoy. “Good morning Ma’am.” Bati nila. Di naman kami bumati ni Apoy eh. “Anyways, is Mr. Hamilton and Ms. Choi here?” tanong nya kaya tumayo kami. “Good anyways mamaya magsisimula na kayo mag practice.” “Alright. Class nga pala may mga transfer student tayo. New student pasok.” Sabi ni Ma’am Astrid’s PoV Pagka salita ni Ma’am Saavedra ay pumasok ang isang cute na lalake. OMO andito siya. Tumingin naman ako sa mga ka gang ko at ganun din sila kaya sabay sabay kaming tumingin  kay Sum na pa cool lang. Hanazono nga pala sya, Malamang alam nya.  “Hello there! Im Jasper Crimson .15 years old. Don’t ask about my last name anyways, Hi Acerz, Riley, Sum.” Bati nya sa amin. “Alright since Transfer student lang sya dito pwede nyo sya tanungin. Any one?” sabi ni MA’am Saavedra Kaming Acerz at yung isa naming kaklase lang ang nagtaas ng kamay “Mr. Icasiano” – Ma’am Saavedra “Paano mo nakilala ang Acerz at si Ms. Choi?” tanong nya. “Choi? Sinong Choi?” tanong nya. Lagot di yata na inform tong si JC. “Si Summer Freia CHOI.” Sabi ni Eris Haay buti nalang “Well ang Acerz kilala ko dahil pinsan ko ang isa sa kanila tapos si Sum kilala ko sya dahil ex nya ko.” Sabi ni JC. Luko din toh eh. Ex oo ex gangmate. Dati kasi may grupong sarili si Sum kaso 3 lang sila doon mga 10 pa lang si Sum nun kaso nag quit yung isa nilang ka grupo tapos nagkasakit si JC kaya sa SB nalang sumama si Sum. Kung ini isip nyo na may relasyon sila well actuall sila ay mag cousin din. Kapatid kasi yan ni Kuya Kent actually kakambal kaso di sila magka muka. Pero may ex yan sa grupo namin. “Ms. Lee” ma’am Saavedra “Bakit ka bumalik?” tanong ni Riley na parang naiinis “Di mo ako na miss kahit konti Ley? Ouch ha” pagdadrama ni JC “Just answer JC. Wag mo rin akong tawaging Ley.” “Oo na. I came back dahil na miss ko sina Ate Autumn, at yung iba pang ate saka si Sum at kayong Acerz.” ‘Ang sabihin mo para mabwisit ulit ako.’ Bulong ni Riley. “Class since medyo napapahaba ang tanungan let’s start the lesson shall we?” singit bigla ni ma’am Saavedra Autumn’s PoV Andito kami ngayon sa classroom nung pumasok ang teacher namin. “Class may bago kayong kaklase ngayon. Boys please enter.” Sabi nya pagkapasok nya. OMG grabe andito na sila. “Hi Girls I’m Charlie Jake Valdemore. 16 years old, Single and ready to mingle.” Sabi ni Charlie sabay kindat kay Rielle. Luko rin to eh. “Hey there I’m Dave Warren Buenaventura.17 years old, Single.” Sabi naman ni Warren sabay kindat sa akin. Tss. Playboy padin “Hi I’m Jameson Alexander Kitagawa. 16 years old.” Mahiyaing pakilala ni Xander. Kabaliktaran talaga to ni Spring. “Alright boys umupo nalang kayo sa unahan nina ms. Yu, Ms. Kan, and Ms. Chen.” Sabi ni ma’am. Neith’s PoV DISSCUSS DISSCUSS DISSCUSS DISSCUSS *KRIIIINGGG Neith’s PoV Inayos na namin yung gamit namin paalis na sana kami kasama sina Aqua kaso- “Wendy/Rielle/Lyandy Hintay.” Sabay sabay na sabi nung  mga transferee. Teka magkakakilala sila? “Magkakakilala kayo?” tanong ni Thunder “Oo.” Sagot nung Charles ata yun “Ako pala si Charlie.” Sabi ni Charlie “Hoy Charlie unli mo.” Saway ni Aqua sa kanya. “Hime naman eh.” Sabi naman nito kaya pinanlisikan sya ni Aqua ng mata. “Hoy Charlie wag mo na nga guluhin si Rie. Gayahin mo kaya yang si Alex.” Saway ni Autumn sa kanya. “Wifey naman nasaktan ako ah. Bad influence ba ako para sa’yo?” tanong ni Warren ata yun. Nakita ko namang napayukom ni Thunder yung kamao nya. “Ikaw naman Warren wag mo ako matwag tawag na Wifey. Ikaw na cassanova playboy ka.” Inis na saad ni Autumn. “Alis na tayo baka mamaya sumabog na ang cafeteria.” Sabi ni Aqua kaya umalis na kaming lahat. “Bakit naman?” tanong ko “Dahil andito sina Alex ibig sabihin andito din si JC.” Sabi ni Aqua nagkatinginan naman silang tatlo nina Autumn tapos ngumisi. “Buo na ulit ang ‘JASLEY’” sabay- sabay na sabi nila “Thunder’s here.” Biglaang sabi ni Winter kaya yung tatlo nagkatinginan tapos awkward na ngumiti at napa peace sign. Ano naman kung andito si Thunder. Di namin namalayan andito na pala kami sa Cafeteria. Autumn’s PoV Der’mo nakalimutan naming andito nga pala si Thunder. Nilibot namin ang mata namin pero di namin nakita ang Acerz. Mukhang na sa P.R. sila ah. “Nasa P.R. sila.” Sabi ko kaya pumunta na kaming lahat sa P.R. ng Acerz. “Ano naman kung nalaman ko ang tungkol sa Jasley?” tanong ni Thunder nung nasa malapit na kami ng P.R. ng Acerz. “Malalaman mo rin mamaya.” Sabi ni Rie. Nung nasa labas na kami ng pintuan ng Acerz may narinig kaming sigawan sa loob. “Bakit ka pa kasi bumalik ha JC?!” Mukhang boses yun ni Riley Bago pa malaman ni Thunder pumasok na kami. “Riley, JC andyan na sila.” Sabi ni Astrid kaya yung dalawa napahiwalay at napatigil sa pag aaway. “Anong gusto niyo bilhin kong pagkain? ” tanong ko “Ate akin Spaghetting Manloloko, Paasa Ice tea at tsaka mangiiwan sa ere ice cream.” Sabi ni Riley “Ate akin Carbonara di mapaliwanagan, Orange juice ng kaartehan at saka Sundae na hindi ipinagpalit.” Sabi naman ni JC “Ano bang problema nyo sa isa’t isa?”  takang tanong ni Neith “Sya/ Sya.” Sabi nilang dalawa habang nagtuturuan “Ikaw ang may kasalanan.” Sabi ni Riley “Ano ba ang ginawa ko sayo ha Ley?” tanong ni JC “Alam mo kung ano Jas?” “Sabihin mo sa akin Riley para malaman ko.” “Bakit kasi bumalik ka pa.” “Gusto ko kasama sina Sum at ate Winter kaya ako bumalik.” “Alam mo kung bakit ako nagagalit sayo? Kasi akala ko nung umalis ka wala na lahat ng sakit kaso bumalik ka kaya lahat ng sakit bumalik sa akin.” Sabi ni Riley na paiyak na “Hindi lang ikaw Riley ako rin dahil kaya ako umalis para makalimot sa sakit.” “Ikaw nasaktan? Pinapatawa mo ba ako? Diba nga ikaw ang nagloko.” “Hindi mo kasi pinakinggan yung paliwanag ko.” “Para ano pa para masaktan mo pa ako? Wag na lang sapat na yung sakit ng panloloko Jasper. Labis pa nga eh.” “Pareho lang tayo Ley, pareho tayo nasaktan.” “Paano ka masasaktan ha?! Sabihin mo sa akin Jasper Crimson Funtabella! Sabihin mo!” “Nasaktan ako kasi yung Mahal ko nakipag hiwalay sa akin tapos pagkahiwalay namin nakita ko syang may kayakap na lalaki.” “Alam mo ba kung sino yung yumakap sa akin ha?!” “Kitang kita ko Riley kung paano ka mahigpit na yumakap sa kanya.” “Wala kang alam Jasper kaya manahmik ka!” “Hindi ako mananahimik Riley kasi.” “Kasi ano Jasper Sabihin mo. SABIHIN MO!!” “KASE MAHAL PA DIN KITA Riley Zephanea Lee.” “Mahal? Pinagloloko mo ba ako? Ikaw tong nakita kong may kahalikan sa bar.” “Riley di mo ako pinag explain.” “Ano pang ipapaliwanag mo ha?! Na mahal mo sya?!” “Hindi umalis ka kasi agad kaya di mo nakita kung paano ko sya itinulak.” “Di mo sya itutulak kung di mo ako nakita.” “Riley hindi sa ganon yun.” “Sa ganon din yun. Jasper masakit dahil hanggang ngayon ramdam na ramdam ko yung sakit.” “Riley 1 year ago na yun! Hanggang ngayon ba naman?!” “Oo Jasper dahil hanggang ngayon masakit pa rin. Masakit pa din.” “Riley antagal tagal na nun! Hanggang ngayon ba naman di ka pa nag mu move on.” “Oo Jasper madali sabihin pero mahirap gawin, ayos lang sana kung nasakatn LANG ako sa panloloko mo sakin. Pero hindi eh dahil hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako sa tuwing naiisip ko na dahil sayo kaya sya nawala.” “Sinong nawala? Riley sabihin mo Sinong nawala?!” “Hindi na mahalaga yun.” “Sabihin mo sa akin Riley!” “Alam mo ba na dapat may sasabihin ako sayo nun?” sabi bigla ni Riley habang pinipigilan ang luha nya at pinipilit pakalmahin ang sarili “Ano naman yun?” sabi ni JC habang ginagawa rin ang ginagawa ni Riley “Hindi na mahalaga yun. Wala na sya.” “Hindi sya nawala Riley.” Sabi ni Sum kaya napatahimik silang dalawa. Nanlaki naman ang mata ni Riley. “If you want to see them. Get back together.” Cold na sabi naman ni Winter bago pumasok uli sa kusina. “Anong ibig sabihin nito Riley?” sabi ni Thunder “Kuya-” sabi ni Riley habang naka yuko, umupo naman sila ni JC sa love seat. “JC, si kuya Frost yung kayakap ni Riley noon.” Sabi ni Astrid kaya nanlaki naman ang mata ni JC. “Gusto mo ng patunay?” tanong ni Eris tumango naman si JC. “Summer tawagan mo nga si kuya Frost.” Utos ni Cath kay Sum pero umiling ito. “Nasa flight sya.” Sabi nito “Paano mo nalaman?” tanong ni Neith “Di daw sya ma- contact ni ate kanina.” “Sinong ate?” tanong naman ni Cloud “Si Ate Lavalee.” Sagot nito tapos lumapit kay Ice at nilagyan ito ng earphones tulad nya. “ANDITO SI ATE LAV?!” sabay sabay na tanong ng mga pinsan namin. Kaya naman pala. Inuna ang crush bago kaming gangmates. “Magbabati kayo o hindi?” tanong ni Sum sabay tingin kay na Riley at JC. “Ano ba kasi yung pinag aawayan nila, Autumn?” tanong ni Thunder “Mag ex sina Riley at JC. 1 year ago nagbreak sila tapos ngayon bumalik dito si JC kaya ayan mga di pa rin naka kamove on. Mga bitter na tuloy.” Sagot ko naman aya yung dalawang mag ex sinamaan ako ng tingin “Sino yung tinutukoy na sya ni Riley?” tanong naman ni Sky “Ah wala.” Sagot ni Summer “Sum akala ko ba? Diba sabi mo? Paano? ” tanong ni Riley “I have ways Riley at sa tingin mo ba papabayaan ko ang isang inosente?” tanong nya kaya napatango nalang si Riley
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD