Chapter 20
Lavalee’s PoV
Kauuwi lang ng Shaddow Warriors. Andito kami sa sala. Katabi ko ang Tres Marias.
“Ano nang plano?” tanong ko
Kailangan na talaga naming gumawa ng paraan para tapusin ang LC Mafia. Sobra na ang pagkuha nila ng buhay dahil pati inosente nadadamay.
“Magpakilala na tayo.” Sabi ni Freia
“Pero Summer ano naman ang maitutulong nun?” tanong ni Jodi.
“Mas mapapabilis ang paghahanap natin sa LC Mafia members dahil sila na mismo ang lalapit sa atin.” Pag eexplain ni Freia. Napansin kong natutunaw yung contacts na suot nya. Galit talaga sya
“Next week no more nerdy glasses.” Sabi ni Icey kaya natapos na ang meeting namin.
Sinundan ko si Icey at tinawag. Nag usap lang kami tapos sumulpot si Freia tapos inaya kaming mag gala so we will go. Matagal na rin nung huli kaming nagbonding I think it’s their birthday when we last bond.
Aqualyn’s PoV
Nakita ko sina ate Lavalee, Summer at si Yelo este Winter na pababa ng hagdan. Wow pare pareho pa sila ng suot. Pare-pareho silang naka T-shirt na may tatak na
‘A.H. Heiresses.’. Baka family shirt yun kasi Arkin Blizzard Hanazono ang real name ng papa nila. Di ko lang alam ang sa Mama nila, ayaw kasi nila pag usapan ang tungkol sa kanya kapag nasa paligid si Summer dahil sya ang pinaka close dito.
“Saan punta nyo ate Lav?” tanong ko pagkababa nila
“Magba-bonding kami.” Sagot ni Summer
“Ingat kayo.” Sabi ko naman tapos pumunta na sila sa garahe.
Narinig ko naman ang tunog ng engine ng sasakyan ng demonyo kung magdrive na si Summer Freia. Haay kawawa naman sila. Si leader paniguradong aayaw kaso anong laban ng isang yelo sa dalawang apoy ang mas matindi pa ay Mas matanda yung isang apoy sa kanya, oh anong laban nya dun.
“Saan pupunta yung magkakapatid?” tanong ni Autumn pagkarating nya rito sa sala
“Mag ba bonding daw.” Sabi ko
“Asan si Spring?” tanong nya
Oo nga buong umaga ko na hindi nakita yung bruha ah. Since umalis sina Cloud.
WHAT THE?! Baka nasa bar nanaman ang conyongitang yun. Tsk tsk nagkatinginan kami ni Autumn at confirmed iisa ang naiisip namin.
“Good Umaga!” bati ni Spring
Argh porque ba wala si ate Lav conyo na naman sya?
“Pwede ba wag ka nga mag conyo.” Sabi more like singhal ko sa kanya
“You walang care.” Sabi pa nito di na ako nakapag pigil at binato ko sya ng shuriken. NA naiwasan naman nya
“Wag nga kayo dito mag away at magbatuhan ng Shuriken. Pag may natamaan kayo dito, lagot kayo kay ate Lavalee.” Saway ni Autumn sa amin
Nagkatinginan kami at nanlaki ang mata. Dun kami nagsuntukan –which is naiiwasan namin- at nagsipaan – which naiwasan pa din namin pareho – sa vacant hall para walang mabasag o masira.
Autumn’s PoV
Ayoko talagang naiiwan kasama ang Girly at Boyish na ka gang ko. Parang silang ay hindi pala parang tanga talaga. Nag susuntukan at nagsisipaan tapos di rin naman matamaan ang isa’t-isa. Haay maaga akong tatatanda sa dalawang to eh.
Maya-maya narinig kong may nag doorbell. Haay sawakas may iba na akong makakaharap bukod sa dalawang baliw.
“Hi Autumn.” Bati nina Sky, Cloud, Neith, at Thunder, si Ice tiningnan lang ako
“Andyan ba si Winter?/Spring?/Aqualyn?” sabay-sabay na tanong nina Sky, Cloud at Neith
“Kung hinahanap nyo sina Spring at Rielle andito sila pero kung Si Winter at Summer, wala sila, umalis kasama ni ate Lav.” Sabi ko tapos pumasok si Thunder, Cloud, at Neith. Umuwi naman sina Sky at Ice.
“Um ingat nga pala kayo sa mga lumilipad na bala, daggers at iba pang armas.” Sabi ko tapos binuksan ang pinto
Tama nga ang hula ko. Mas lalo silang nagmumukhang tanga ngayon dahil nagbabarilan sila kahit di naman sila matatamaan, nagbabatuhan ng daggers at shuriken kahit di madadaplisan. Hay mga baliw.
“Hoy mga boyfriend nyo andito.” Sabi ko sa kanila
Napatingin naman sila dito tapos tinuloy ang pag aaway.
Haay kawawang Neith at Cloud sa Amazona Warrior Princess at Daredevil Playgirl pa nagkagusto.
Nung tumigil na sila hinigit na nila ang mga boyfriend nila sa iba’t ibang direksyon kaya naiwan kaming dalawa ni Thunder dito sa sala. Spell Awkward K-A-M-I
Sobrang Tahimik
“Autumn/Thunder” sabay naming sabi
“You first/ikaw muna” sabay ulit naming sabi kaya nag taas ako ng kamay
“Bakit?” tanong ko
“Sorry.” Sabi nya
Huh Bakit?
“Bakit ka nag so Sorry?” tanong ko
“I think I like you.” Sabi nya kaya napatingin ako sa kanya. Nagkatitigan kami tapos nagsalita ulit sya
“And I am going to court you no matter what.” Determinado nyang sabi habang nakatitig sa mata ko
“What?” tanong ko habang gulat parin
“I will court you and you have no say in it.” Sabi nya tapos umalis ng bahay
Lutang naman akong nagsara ng gate tapos umakyat sa kwarto ko. May 5 Butler kaming kasama kaya sila na ang bahala pagdating ng mga kaibigan ko.
Hindi pa din talaga ma proccess yung sinabi nya sa akin.
Gathering information.......
Loading......
Please Wait.....
1%....2%....3%....4%....5%....10%....20%....30%....40%....80%....90%....91%....95%.......97%...99%....100%
Loaded Successsfully
WTH?!
Sinabi nya talaga yun.
“Iiiiiiiiihhhhhhhh!!!” irit kodito sa loob ng kwarto. Buti nalang soundproof toh. Kundi baka nag alala na yung mga butler namin.
Aqualyn’s PoV
Hinigit ko si Neith dito sa Garden sa likod ng Bahay. May tatlong garden kasi dito, yung Garden sa likod ng Bahay, garden sa harap ng bahay at yung garden sa 4th floor na hindi pa namin napupuntahan pero sabi ni Sum maganda daw.
“Aqualyn Let’s end this pretend relationship.” Sabi ni Neith
“Sure.” Sabi ko
Oo tama ang basa nyo. Pretend lang toh ganito kasi yung nangyari.
FLASHBACKS.....
Andito ako sa hallway, katatapos lang ng klase, si Autumn nasa SC office dahil pinag-substitute sya ni Ms. Ramirez dun sa SC President na may sakit, si Winter either nasa library or sa garden basta lugar na tahimik andun yun nagbabasa o natutulog, si Spring siguro nasa Gym or nasa Soccer field basta lugar na maraming boys na pwedeng makita andun ang Playgirl na yun, tapos si Summer nasa Cafeteria or nasa Private P.R. na di alam ng tao basta andun yun sa lugar na maraming candies or baka kasama si Ice
Maya-maya habang naglalakad ako nakita ko si Black Shaddow or si Neith na kasama yung alipores nung naka away ni Sum at akalain mo nga naman yung nagpapanggap na ako pa yung andoon.
Si Frances Amon na nagpapanggap na Wave ng SB.
“Neith please. I love you, ano bang wala ako? Gangster rin ako, ako pa nga si Wave ang gangster princess ng SB. Please Neith Kahit kuhanin mo ang lahat sa akin basta gawin m lang akong girlfriend.” Sabi nito tapos lumuhod
Wala na ba talagang respeto sa sarili ang babaeng toh?
Ginamit pa talaga ang pangalan ko. Tss Manggagamit.
“Ano ba Frances, hindi nga kita gusto o mahal. May Girlfriend ako, pwede ba. Wag mo nga akong kulitin.” Sabi ni Neith
“Girlfriend? Ipakilala mo sa akin ang babaeng yun.” Sabi ni Frances
Di ko nalang sila pinasin at dumiretso papunta sa Gym. Thursday naman kasi ngayon at next next week na ang Intrams nina Sum. Naka jogging pants naman ako ngayon eh kaya ayos lang tumakbo sa obstacle course ng Gym.
Nagulat naman ako ng bigla akong hinila ni Neith.
“Sya ang girlfriend ko. May angal ka?” sabi ni Neith habang naka akbay sa akin
“Pagsasawaan mo rin yang nerd na yan kaya maghihintay ako.” Sabi niya tapos inirapan ako
Pagka alis ni Frances siniko ko si Neith sa tagilran tapos binatukan sya
“Hoy Lim anong pumasok sa kokote mo at ginawa mo akong girlfriend ha?” tanong ko sabay death glare
“Matinde babae ka ba talaga? Ang sakit ah. Pero Girlfriend na kita at wala ka nang choice.” Sabi nya tapos umalis
Argh!! Pasalamat ka bawal kaming magpaka gangster.
END OF FLASHBACK....
So ayun nga yung nagyari
“Sure lang? Hindi mo lang ba ako tatanungin kung bakit?” sabi ni Neith
“Hindi, desisyon mong maging mag on tayo kaya ikaw na ang bahala kung kailan toh tatapusin.” Sabi ko sa kanya nakita ko namang napa simangot sya
“Alam mo kung bakit?” tanong nya
“Malamang hindi. Sinabi mo ba?” sabi ko
“Nagkakatoo na kasi eh. Aqualyn Rielle Kirigaya, Wave, mahal na talaga kita.” Sabi niya sa akin
Napatulala naman ako sa kanya.
Anong ibig niyang sabihin?
“Anong – What are you saying?” sabi ko sa kanya
“Aqualyn Rielle Kirigaya, I really love you, at first I thought that I just like you that’s why when Frances asked me to be her boyfriend then you tried to walk pass us, I pulled you and made you my girlfriend without your comment and reaction. But now I don’t want to fake this relationship anymore, I really love you and I don’t want you to be my fake girlfriend I want you to be my REAL girlfriend and I’m dead serious in making you say yes. So Aqualyn Rielle, will you be my girlfriend?” Sabi niya
“Yes.” Sagot ko
“I’m not forcing you I’m willing to- Wait did I hear it right? You said yes?” tanong nya habang nanlalaki ang mata
“Yes, Oo pumapayag ako.” Sabi ko tapos nginitian sya
Maya-maya I felt his lips on mine he is kissing me passionately
I do not know how long we kissed but when we let go of the kiss we were both gasping for air.
“Thank you Aqualyn. I love you so damn much” Sabi nya tapos hinalikan uli ako
Spring’s PoV
Hindi ko alam kung bakit ko hinigit si Cloud but sana hindi pa ako nahuhulog.
“Babe” tawag ni Cloud sa akin
“Yes, Babe?” sabi ko naman
“Sa tingin mo sinong unang matatalo?” tanong nya sa akin
“I dunno. Bakit babe nahuhulog ka na ba?” tanong ko sa kanya tapos nginitian sya seductively.
“Hindi pa naman, ikaw ba babe?” sabi nya sa akin
“Hindi pa rin.” Sabi ko sa kanya
Haay Cloud, crush na kita pero ayaw ko pang umamin sayo hangga’t di ka pa nahuhulog sa akin dahil ayaw kong masaktan sayo.
Sapat na ang sakit ng pagkawala ni ate Blossom, baka hindi na kayanin nitong puso ko kung masaktan pa ulit dahil sayo.