Kabanata 27 "Salamat po.." Tumingala ako sa bahay. Medyo malaki eh mag isa lang naman ako grabe naman si kuya parang gusto ata akong matakot. Tabi tabi ang bahay naman at pwede akong humingi ng tulong sakali lang. Inilibot ko ang tingin sa buong village na tahimik lang bakit naman ako pinili ni kuyang mag stay sa ganitong village. Pwede naman akong mag rent ng apartment or condominium bakit bahay pa? Medyo modern itong bahay ni kuya at cute sa labas ay merong mga bulaklak at mga upuan. Pwedeng pwede akong mag kape dito tuwing umaga. Ngumuso ako habang nakatingin sa mga halaman mga magaganda iyon at parang bagong lagay palang. Sigurado akong si kuya ang lahat na nag ayos nito. Pumasok na ako sa bahay at agad na tumaas upang tignan ang aking kwarto. Buti nalang dalawang kwarto lang

