CHAPTER TWENTY THREE Tanghali na nagising kinabukasan si Kassandra. Halos hindi siya makabangon dahil pakiramdam niya ay parang binugbog ang buo niyang katawan. Sino ba naman ang hindi sasakit ang katawan eh magdamag siyang hindi tinigilan at hindi pinatulog ng asawa. Parang wala itong kapaguran. Hindi niya alam kung epekto ba yun ng nainom nitong alak o epekto ng ginawa nilang pag-amin para sa nararamdaman sa isat-isa. Hindi ni Kassandra maiwasan ang mapangiti ng maalala ang naganap sa kanila kagabi. Parang nalasing din siya sa ginawang pag-amin ni Jansen. Dahil sa pag-amin nila sa isat- isa ng kanilang nararamdaman ay masasabi na ni Kassandra na talagang tunay na silang mag-asawa. Pero nakaramdam siya ng kahungkagan ng magising na wala na sa tabi niya ang asawa. Tiningnan niya ang kan

