CHAPTER SEVEN
Pagka-alis ni Kassandra ay napailing-iling si Jansen at napahawak sa kanyang labi. Akalain ba niyang darating ang time na mahahalikan niya na hindi nagsusuplada ang masungit niyang kababata na madalas mam-bully sa kanya dati.
Naging napakadali para sa kanya ang makapasok sa buhay nito at magkaroon dito ng kontrol. Sisiguraduhin niyang pagsisihan ni Kassandra ang nagawa nitong mga pananakit sa kanya simula noong time na una silang magkakilala noong mga bata pa sila. Maaring mga bata pa sila noon pero kailan man ay hindi nawaglit sa puso at isip niya ang ginawa nitong pananakit sa kanya at nangako siya sa sarili na ibabalik niya kay Kassandra lahat ng sakit na ipinaramdam nito sa kanya.
Pero hindi maitatanggi ni Jansen na nagustuhan niya ang halik nito at hindi siya makapapayag na makawala pa ito sa mga plano niya.
Agad niyang idinayal ang numero ng kanyang mama na kasalukuyang nasa Amerika para ibalita dito ang kanyang naging desisyon.
Hindi nagtagal ay sinagot nito ang tawag niya.
"Hello! Yes Jansen, napatawag ka?" tanong nito sa kanya.
Hello ma, si papa po andiyan ba?
"Yes, iho...we're on the bed now, we're about to sleep."
"Oh...sorry ma! naabala ko ba kayo ni papa?"
"Hindi naman iho! do you want to talk to your dad?"
"Yes, ma..please..."
"Darling ang anak mo gusto ka raw makausap" narinig niyang sabi nito sa kanyang papa.
"Hello Jansen anak, kumusta ka na diyan? anong balita at napatawag ka?"
"Pa, I have a good news for you! napapayag ko na po si Kassandra na pakasal sa akin. Matutupad na po ang gusto ninyo na maging magbalae kayo ng papa niya."
"Talaga anak! andiyan na ang lagalag na anak ni pareng Fernan! paano mo nga pala napapayag ang anak niya? The last time I spoke with his father he told me that Kassandra never wanted to marry you."
"Eh kasi dad ngwapuhan sa akin si Kassandra ng makita ako, kaya napapayag ko din at tinanggap ang proposal ko." pagbibiro niya sa ama.
"whew....Jansen manang mana ka talaga sa akin." masaya nitong wika.
"Syempre naman dad, ikaw ang tatay ko eh!"
"hahaha! nga pala anak, kailan ang kasal ninyo!"
"Kaya nga ako tumawag sa inyo ni mama pa eh, para magpatulong kasi alam nyo naman po na wala akong alam sa ganito eh, kaya pa, kailangan n'yo na po umuwi ni mama para maitakda na ang petsa ng kasal namin. Tsaka pa, I forgot to tell you na nakaconfine si tito Fernan sa Ospital"
"Ano! bakit anong nangyari sa kaibigan ko?" Puno ng pag-aalala nitong tanong.
"Heart attack daw po. But dont worry pa, I think he's doing well!"
"Mabuti naman kung ganon. Oh sige iho don't worry aasikasuhin namin ng mama mo yong mga dapat naming ayusin dito then we'll let you know pag nakapagpabook na kami ng mama mo ng flight pauwi diyan."
"Okay pa! thank you. Ingat po kayo diyan ni mama."
"Sige iho! bye. Ingat ka din diyan!"
Ng maibaba na ni Jansen ang telepono ay hindi niya maiwasang mapangiti. Napatingin siya sa pictures nila ni Kassandra noong mga bata pa sila at noong nag-uumpisa na silang magbinata at magdalaga.
Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit kahit sobra siyang nasaktan sa bahaging yon ng buhay niya ay tila yoon pa rin ang gustong gusto niyang balikan.
Flashback....
Transferee siya noon sa eskwelahan na pinapasukan ni Kassandra kaya wala pa siyang mga kaibigan at para siyang out of this world sa batch nila kasi siya lang ang naiiba. Wala pang kaibigan at walang kakilala.
First day niya noon sa school, Grade four. Tahimik lang siya non na nakaupo sa hulihan habang ang mga ibang bata roon ay masayang nagkukwentuhan. May kanya Kanya silang topic at pinag-uusapan.
Who is he? narinig niyang maarteng tanong ng isang batang babae.
I dont Know! transferee daw! sagot naman ng kausap nito.
Oh I see! so may bago pala tayong classmate.
He looks so nerd! mukha siyang out of this world.
Narinig niyang komento ng isa. And they laughed together na mukhang siya ang ginawang katatawanan.
Ng biglang dumating si Kassandra at ang atensyon ng lahat ay napako dito, lalo na ang mga laakeng nagpapayabangan ng mga kwento nila kanina.
Good morning Kassanda! narinig niyang bati ng isang batang lalakeng tisoy! at ang iba ay bumati na rin ng good morning. Tila ito isang sikat na celebrity.
Good morning every one! masayang bati naman nito!
Napatingin ito sa dako niya, pero hindi siya nito pinansin. Para itong walang nakita na umupo sa katabi niyang upuan sa hulihan.
Hi! tipid at nahihiyang bati niya dito! pero inirapan lang siya nito at hindi pinansin.
Napahiya naman siya sa inasal nito dahil tila lahat ay nakaabang sa magiging reaksyon nito.
Oh Kassandra Hi! daw narinig niyang komento ng tisoy na batang lalake na lumapit sa kanila.
Wala ka man lang bang sasabihin sa new classmate natin. Dagdag pa nito.
Pwede ba Erick huwag mong umpisahang bwisitin ang araw ko!
asik nito sa batang lalake na tinawag nitong Erick.
Ano nga pala name mo? saang school ka ba galing? Derederecho nitong tanong.
" Jansen Carl Benitez " JC naman ang tawag sa akin ng aking mga kaibigan at dating kakaklase. Tipid naman niyang sagot.
Ah....napatango tango ito.
Oh Kassandra Jansen Carl daw pangalan ng new seatmate mo.
Of course I know him Erick.
He's the son of my dad best friend. Mataray nitong wika kay Erick sabay irap sa kanya.
Oh, eh kilala mo naman pala siya eh...bakit di mo man lang sinabi sa amin.
Sorry Erick F...Y...I... lang ha. Hindi ko obligasyon na ipakilala siya sa kahit sino sa inyo.
And it's simply because I dont like him. Hindi ko siya gusto!
Narinig mo ba ang sinabi ko! Hindi kita gusto! Mataray na baling nito sa kanya.
Hindi naman maiwasang mapahiya ni Jansen sa sobrang kaprangkahan ni Kassandra.
Grabe naman to! Sobra ka naman Kassandra. Komento naman dito ni Erick!
Pwede ba Erick tantanan mo na ako! Humanap ka nalang ng iba mong bubwisitin....
Huwag ngayon dahil bwisit na bwisit pa ako! dahil nasermonan lang naman ako ni dad dahil sa nerd na yan!
Inis na tukoy nito sa kanya.
Uy bago yan ah....patuloy na pang-aasar pa dito ni Erick.
Will you just shut up!!!!and get out of my sight!!!!inis na inis na nitong bulyaw kay Erick.
Okay! kamahalan! relax ka lang! high blood ka nanaman eh!
Ng makaalis na si Erick ay siya namang dating ng teacher nila kaya biglang natahimik ang lahat at pumunta na sa kanikanilang upuan.
Good Morning class! pambating bungad nito sa kanila.
Good morning teacher Michelle. Sabay sabay namang sagot ng grade four.
Oh so we have a new transferee here. So my bago kayong Classmate. Jsnsen Carl pwede bang pumunta ka dito sa unahan at ipakilala ang iyong sarili.
Utos naman sa kanya ng kanilang guro.
Agad naman siyang tumayo at ng hahakbang na siya papunta sa unahan ay bigla siyang nadapa dahil may tumalapid sa kanya. Dahilan para maging katatawanan na nanaman siya ng buong klase.
Napatingin siya sa babaeng ngingiti-ngiti sa likod niya dahil alam niyang ito ang may gawa kung bakit siya na natalapid. Walang iba kundi si Kassandra.
Class stop it! saway ng teacher nila sa kanyang mga kaklase ng hindi pa rin tumitigil ang mga ito.!
Why are you looking at me? inis na sita naman sa kanya ni Kassandra.
Don't tell me you'll gonna blame me for what happen to you.
Kasalanan mo kasi lalampa lampa ka! mataray nitong ismid sa kanya.
Kassandra! I don't like the way you treat your new classmate! sita naman dito ng kanilang guro.
I'm sorry ma'am tila maamong tupa naman nitong paumanhin.
Okay Jansen come here.
Okay lets give Jansen a welcome clap to the class.
at ginawa nga ng buong klase ang welcome clap ng sabay sabay.
Totoong minahal niya si Margot pero mas mahal nito ang pangarap nitong maging isang sikat na modelo kaysa sa kanya kaya nakipaghiwalay ito sa kanya. Sobra siyang nasaktan at gusto niya ring iparamdam kay Margot kung paano ang masaktan at si Kassandra ang gagamitin niya para saktan ito.
Napilitan siyang sagutin ang tawag nito dahil tila wala itong balak tumigil sa pagdial sa number niya hanggat di niya sinasagot.
Hello! Yes Margot? What do you want?tila walang ganang tanong niya dito.
You. Agad namang sagot nito.
Me? sorry Margot but I'm taken, I'll be getting married soon.
" Please Jansen don't marry that girl! " pakiusap nto sa kanya.
" And why not? " tanong naman niya dito.
" Because she's just going to use you. I know that girl! gagamitin ka lang niya katulad nung mga naging boyfriend
niya. "
" I'm sorry Margot pero hindi yon ang pagkakakilala ko sa mapapangasawa
ko. "
" Jansen I know you! alam kong ginagawa mo lang ito para saktan ako! aaminin ko sayo mahal pa rin kita...please give our relationship another chance. " patuloy na pakiusap at pangungumbinsi nito sa kanya.
" I'm sorry Margot pero hindi na pwede...ikakasal na ako. It's your fault! ikaw ang umayaw sa relasyon natin hindi ako! and now I finally found great love. " patuloy na pagtanggi at pang-iinis niya dito.
" Jansen please...dont do this to me..nasasaktan na ako sa mga sinasabi mo. Please naman oh. Alam ko mahal mo pa rin ako. " patuloy na pagsamo nito sa kanya.
" Margot may mahal na akong iba. Si Kassandra Del Rio at siya ang babaeng pakakasalan ko. " mariing wika niya dito sa kabilang linya.
" No....I know Jansen sinasabi mo lang yan para saktan ako. " kumpiyansa sa sariling wika nito.
Hindi ako papayag na makasal ka sa babaeng yon. Not with her. " dugtong pa nito na may kasamang pagbabanta bago nito ibinaba ang telepono.