••• "When you encounter a playboy, you can only do two things; First is to avoid him and second is to play along and leave him hanging. " - Unknown ••• NAKARATING na muli si Rain sa bar na pagma-may-ari ng kaibigang si Shen. Gaya ng ginawa niya sa gangster arena ay pinarada niya ang kanyang sasakayan sa madilim na parte ng parking lot. Lumabas na siya ng kanyang sasakyan, sinarado niya ang pinto at siniguradong maayos kitong naka-lock. Matapos ay agad siyang dumiretso patungo sa entrance ngunit ngayon ay hindi na siya pinigilan makapasok bagkus ay hinayaan nalang siya ng bantay. Taas noo siyang naglakad papasok at sa ikalawang pagkakataon ay sumalubong sakanya ang samu't saring usok. 'Second hand smoking is the worst' - she can't help but to comment in her mind. Ayaw na ayaw niya kas

