Sydney, Australia. Early 2032.
“TANG‘NA, Ethan. Putang’na talaga.”
He rested his back on the couch. Itinaas niya roon ang mga paa at napakapit na lang noo habang tinatanaw ang blangkong kisame. He inhaled some air and exhaled, eyes closed.
“Mas tang’na ka.” Marahas na itinulak ni Ethan ang mga paa ni Esaac pababa sa couch. “Sino nagsabing puwede kang magpatong ng paa diyan? ‘Tsaka tumayo ka nga! Bakit pumunta ka pa rito?”
Mabilis na napaupo si Esaac at matalim na tinitigan si Ethan. Bakas sa mga mata niya ang pagkaantok at jet lag dahil kararating niya lang sa Sydney. “Napakasama naman ng ugali mo.”
“Mas masama ang ugali mo,” balik nito sa kaniya. “Sa lahat naman ng bahay, dito mo pa naisipang tumuloy.”
May matitirhan naman si Esaac sa Australia. He has his own townhouse in Melbourne but he chose to drop by in Ethan’s place. It is just that he wanted someone to talk to. “Tinatamad pa akong umuwi,” kunwaring katuwiran niya.
It has been years since the last time that Esaac appeared to the public. They knew he died in an accident in Costa Tilda… but it will be a long story to tell. Basta ang punto, pinagsisisihan niyang lahat ng kung anong nangyari sa buhay niya.
“Ngayon ka pa bumalik.” Napapaltik si Ethan.
Nilingon niya ito. “Buti nga bumalik.”
Bagaman naging miserable ang buhay niya nitong mga nakaraang taon, he still hopes for the best years with his son and of course, his wife. Ayaw niya pang lumantad dito. He is better off watching them from afar. Iyong walang nakakakilala kay Jacob Esaac de Sevilla.
“Babalikan mo si Charity?”
Makasusugat ang nakaangat niyang mga mata kay Ethan. To pop that question seems like choosing between his feelings or his family’s safety. Ano pa nga ba ang pipiliin niya kundi ang kaligtasan ng kaniyang anak at ng asawa. He learned his lessons in a hard way, more on being a father to Missiac, a husband to Mia Charity Locquias-de Sevilla, and other things he shall compromise.
Hindi niya alam kung paano ta-timing-an na muling balikan si Charity or even the right timing for him to apologize for everything that he lied about.
“Ikaw? Babalikan mo si Enie?” balik niyang tanong dito.
Ethan clenched his jaw. “Huwag muna nating pag-usapan si Enie.”
“Siya kaya ang nagpapunta sa akin dito. Gusto mo bang malaman pa lahat ng sinabi–”
Padarag na isinarado ni Ethan ang pinto ng kwarto nito. Naiwan si Esaac sa sala, may maliit na nakalolokong ngiti sa labi, at umaktong nagtitipa sa hawakan ng couch. Nanalo na naman siya kay Ethan. He cannot further explain it but the satisfaction is hell different whenever he sees him pissed off.
Kaya niya pang palagpasin si Ethan. Kaya niyang higitan ang pang-iinis nito sa kaniya… but with Ezekiel, that bastard who wants to take away his wife from him, hindi niya alam kung anong gagawin. He barely knew Ezekiel but the things is, masyado na siya nitong nauunahan. Mas napapalapit ang asawa niyang si Charity kay Ezekiel, bagay na huling gusto mangyari ni Esaac.
For him, gagawin niya ang lahat para sa asawa at sa anak, masiguro lang ang kaligtasan nila. He can kill anyone for them. He can be anyone for them.
Napahawak sa ibabang labi niya si Esaac. A desperate smirk crept on his lips, indicating a thought of something good. He stared directly at his reflection on the mirror. Those expressive chestnut brown irises were the same pair that his son got from him. Kung pagtatabihin sila ng anak, walang magtataka kung sa kaniya ito galing.
Madali lang naman pala ang problema niya. He just has to appear to the public as Esaac. Tapos ang kuwento… subalit dapat niya iyong maplanong mabuti.
He rested his back on the couch. Parang kung higit niyang iisipin kung paano babalikan ang mga naiwan niya, lalo siyang nagiging miserable. Hindi naman ganoon ang ninais niya noong nagdesisyon siyang kuhanin ang pagkakataong lumayo siya nang mailigtas ang pamilya.
Six years and counting, araw-araw na bumibigat ang damdamin niya sa tuwing mamasdan ang mag-ina na nakasasalamuha si Ezekiel. They are growing fond of him! Those eyes are full of enthusiasm whenever they are with Ezekiel. They laugh whenever Ezekiel is around. He is just so adorable in their eyes!
Umabot na rin ito sa puntong nalimutan nila ang first death anniversary ni Esaac. They forgot to visit his grave. Like, for Esaac, kahit wala siya sa hukay na iyon, mahalaga sa kaniyang naaalala pa rin siya ng mga ito. Gusto niyang kahit wala na siya sa mundong ibabaw, parang naroon pa rin siya sa tabi nila.
Sinong bang masisisi niya kung hindi ang sarili niya? Siya naman ang may kasalanan kung bakit hanggang ngayon, patay pa rin ang tingin nila sa kaniya.
Binuksan ni Esaac ang Archie Rose gin na binili niya kanina bago magtungo sa bungalow-type stand-alone house ni Ethan. Its juniper berry aroma with subtle notes of beehive honey smells like drunkenness after a few minutes. Hahayaan niya na lang ang sariling malasing gayong si Ethan at ang anak nitong si Uno lang naman ang naroon sa bahay.
Matuling pinakialaman ni Esaac ang kusina ni Ethan hanggang sa makahanap siya ng whisky glass sa cabinet nito at tray ng yelo sa freezer, and what’s an alcohol chaser if he had endured the burning pain throughout the years? Weak sh*t ang alak kumpara sa hapdi at kirot na dulot ng mga nakalipas na taong hindi man lang niya malapitan ang mag-ina.
Sinalinan niya ng gin ang baso ng yelo. He stood up and stared at the garden outside. He lost track of time as soon as he reached Sydney. Lampas alas nueve na siguro dahil madilim na ang paligid. Alas siete na sa Pilipinas.
Inisang inom niya ang alcohol sa kaniyang baso. Kung makikita siyang ganoon ni Charity, siguradong magagalit ito. She already told him not to take any hard drinks anymore just to forget or feel better. Buti pa si Ezekiel, hindi umiinom.
Muli niyang sinalinan ang baso. Makailang segundo niya itong pinaikot sa kamay bago tinuloy-tuloy na ininom.
He wonders if they are thinking each other as they stare at the same moon. Kung sa parteng ito ng mundo, si Charity ang nasa isip niya, mukhang sa ibang bahagi ng mundo, hindi siya ang iniisip nito.
Gusto niyang lumaban ng patas kay Ezekiel subalit parang mas nakalalamang na ito sa anim na taon niyang pagkawala. Sometimes, he just wanted to barge into the scene whenever he sees that Charity is gotten by Ezekiel. Also, there are times that he feels jealous about Ezekiel being a father to Missiac, his son. Araw-araw siyang kinakain ng insecurity, bagay na lamang na lamang si Ezekiel.
He cannot be Ezekiel, anyway, but Ezekiel can replace him.
Nakarami na siya ng lagok nang bumukas ang pinto sa kwarto ni Ethan. Iniluwa nito ang pupungas-pungas pang si Uno, ang limang taong gulang na anak nina Ethan at Enie. Lumiwanag ang mga mata nito nang makita siya at patakbong lumapit sa kinaroroonan niya.
“Uncle!” the kid called with glee.
Saglit niyang inilapag ang baso sa maliit na mesa. “Hello, kiddo!” salubong niya rito nang may bukas na bisig na handing tanggapin ang bata.
“I miss you, Uncle!” Uno declared.
Niyakap niya ito nang mahigpit. “Me, too, Kiddo. It’s been a while.”
“Yeah! Tatay surprised me to go here in Sydney.” Humiwalay ito sa kaniya at umupo sa hita. “Tatay wants us to enjoy this trip but I can’t because Nanay isn’t here.” Napanguso pa ito.
“It’s okay, Kiddo.” Ginulo ni Esaac ang buhok nito. “Don’t be sad. I’ll tell your tatay to bring you back to the Philippines to see your nanay.”
“Yehey!” He looked delighted. Niyakap siya nito sa leeg. “Thank you, Uncle!”
“No problem, Kiddo.” He patted Uno’s back. “For the meantime, enjoy your vacation here with your tatay because when you go back to the Philippines, you will also start studying, right?”
Tumatangong humiwalay ang bata sa kaniya. “But–”
“Uno.”
Sasagot pa sana ang bata subalit napigilan ng tawag ng kaniyang ama. Lumabas mula sa pinto ng kwarto si Ethan na tila mababaw na nakatulog. He looked at Esaac with a dismal smirk. He gave him an equal expression.
Lumapit ang bata sa ama. Ethan lowered to level his son. “Uno, I thought you’re asleep?”
Umiling-iling ang bata. “Uncle told me that we will go the Philippines soon to see Nanay!”
Esaac gloomily watched them. If he is alive right now, he will probably be like Ethan to Uno–a father to Missiac. Ilang taon niya ring pinangarap ang magkaroon ng sariling anak na tulad niya. Swerte na lang at dumating si Charity at nabigyan siya nito ng panganay na kamukhang-kamukha niya.
“Of course, we are going to see Nanay but now, we will stay here for a while because Tatay still has work here in Sydney, okay?”
Uno approved.
Ethan sighed. “Okay, go back to our room and try to sleep again.”
Mabilis na sumunod ang bata at ang huling naalala ni Esaac, natamaan siya ng tsinelas ni Ethan.
“Kung anu-anong pimapasok mo sa utak ng anak ko, ha!”
Natatawang umilag si Esaac sa lumilipad na kapares ng tsinelas ni Ethan. “Sinabi ko lang naman na uuwi kayo soon. Isa pa, I came here to convince–no–to fetch you back to our country. Kailangan ka ni Enie ngayon.”
“Tigilan mo ako.” Ethan got another whiskey glass. “If I know, you went here to escape from the pain of seeing your wife dying over Ezekiel.”
Tinapunan niya ito ng tingin. “Are you telling me that I am jealous of that bastard?”
“Nope.” Nagsalin ito ng gin hanggang kalahati ng baso. “I mean, yes. You are jealous because you are dumb.”
Kunot-noo niya itong tinanaw. “Hindi ako tanga, Ethan. Hindi rin ako nagseselos.”
“Sige, sabi mo eh.” Nagkibit-balikat ito.
Napasikmat si Esaac. “I’ll soon find the best right timing to come out to the public. Mababawi ko rin ang mag-ina ko.”
“Baka maunahan ka ni Ezekiel.” Umisang inom ito.
Inubos naman ni Esaac ang laman ng kaniyang baso. “That will never happen, Ethan.”
Pagak na natawa si Ethan. “You won’t let it happen, of course.”
“I need Ezekiel to disappear in this world. If I should kill him, I will.”
“Baliw ka na.” Inubos niya ang laman ng baso. “Kung papatayin mo siya, hindi kita pipigilan.”
“Gago.”
He poured more Archie Rose in his whisky glass. This time, it’s full and he wasted no time but drank it straight.
“Calm your liver, Esaac,” he laughingly reminded.
“Gusto ko nang makabalik sa dati kong buhay.” He took a deep sigh. “Baka sakaling malasing ako, bigla akong lumitaw sa buháy sa harap nila.”
“You can always resurface, de Sevilla.” Ethan dispensed more gin in Esaac’s glass and his.
“I can but I won’t.” Inisang inom iyon ni Esaac. “I won’t put my family to risk.”
Ethan shrugged. “Malapit na matapos ang probation mo. You can now freely go back to your family.”
He smirked. “Depende pa rin ‘yon sa huling hearing ng kaso ni Sultera.”
“Surely, you will win the case. Ilang counts of murder ‘yon? Isama mo pa ang smuggling case niya. Ewan ko na lang kung makatakas pa siya sa batas.”
Ethan sounded so certain. Kasama kasi siya sa mga pagpaplano nila noon tungkol sa kaso laban sa pamilya ni Esaac. His step grandmother is the realest pain in his ass for more than six years now. Pasalamat na lang siya na hindi nito nabalitaan ang pagkakaroon nila ng anak ni Charity o ang pagiging mag-asawa nila.
Everything was kept a secret, even the papers of their marriage and his child’s birth because he saw this coming. His surname was too dangerous. Mainit sa mata ng step family niya ang yaman ng mga de Sevilla. Pilit man nila itong kunin sa pamamagitan ng pagpatay sa kaniya noon, hindi rin sila nagtagumpay dahil magaling ang abogado niyang si Atty. Ivan Pimentel, maging ang foster brother niyang si Seth de Sevilla.
“I don’t know. Epipania Sultera is another level of hell. Hindi ko pa alam kung anong kaya niyang gawin na higit sa lahat ng ginawa niya sa akin.”
His step grandmother killed his grandfather, his father, and even the dad of Charity who was then his fiancée. He made sure to keep her away from their sight kaya inakala nitong hindi natuloy ang kasal nina Charity. He also made her invisible from the public nang dalhin niya ito sa Nayon Kalinaw sa Isla de Esperanza, an isolated island in the south of Luzon. Kaunti pa lang ang mga nakatira roon kaya magandang lugar na pagtaguan ng mag-anak niya. Isa pa, magaling na bantay ang NBI agent niyang kapatid na si Seth, maging ang tulong ng Alpha Lohikal na higit na nagpaigting sa proteksyon ng kaniyang mag-ina.
Ang kailangan niya na lang gawin ay ang tapusin ang laban na dapat na matagal na niyang naayos bago pa man siya ikasal kay Charity.
“Trust yourself and VESTIGE.”
VESTIGE. Von, Esaac, Seth, Trevor, Ivan, Gregory, and Ethan. It was just once a band formed because of his best friend, Eniessia. Musika lang sana ang bubuuin ng grupong iyon subalit umabot sila nang higit sa magkakaibigan. Now, they are all professionals. Nagagamit ng lahat ang trabaho at kakayahan ng bawat isa.
Esaac was once the keytarist of the VESTIGE. Tumutugtog lang siya ng keyboard at synthesizer noon. Ngayon, pinoproblema niya na ang kaligtasan ng sarili at ng pamilya.
“I trust you all, of course.”
Tumayo na si Ethan at inilagay ang baso nito sa sink. “I gotta stop drinking now. Walang ibang mag-aalaga sa’yo mamaya kapag lasing na lasing ka na. I also have to look after my child.”
He raised his thumb. “Love you, Bud! Magpapaalaga talaga ako sa’yo mamaya.”
Ethan raised a middle finger on him. “Gago! Huwag kang magkakalat dito kundi gigising ka sa labas ng pinto ng bahay ko.”
Lasing na mga mata niyang pinanood ang pagsara ng pintuan ng kwarto nina Ethan. Madali niya namang kinuha ang telepono at hinanap doon ang pangalan ni Charity, ang asawa niya.
He drunkenly typed, ‘I’ll comeback soon. See you,’ and sent it right away.
A devilish grin painted on his lips. Alam na niya sa sarili na ito na ang simula ng binabalak niyang pagbabalik. It looks easy but it won’t. It took him more than three years to plan his comeback at hindi ito dapat mauwi sa wala.
He scrolled upon Charity’s feed until his eyes landed on her post. It was Charity, Missiac… and Ezekiel with heart emoji on the caption. Nakangiti ang mga ito at masayang-masaya sa harap ng camera.
He wanted to throw his phone on the wall dahil sa inis. Seeing them happy with Ezekiel is his least favorite scene. Kung maayos lang ang lahat, hindi niya iyon hahayaang mangyari. Gayunpaman, hindi siya maaaring magpadalos-dalos ng paggalaw dahil planado na niya ang lahat. He just has to execute it as quick as possible. Itinataga niya sa bato, wala siyang sasayanging pagkakataon sa oras na maging posible na ang lahat.