AYLA'S POV Nagising akong nakayakap sa boss ko habang nakasuot pa rin ng 2 piece? Hindi ko alam kung ano ang nangyari kagabi at paano siya nakatulog sa kwarto ko. Heto ako ngayon at nakadukdok ang mukha sa leeg ng boss ko habang natutulog ito. Maya maya pa ay naramdaman kong marahan akong tinatapik nito sa braso para gisingin ngunit minabuti ko na lamang na magtulug-tulugan dahil hindi ko alam kung may mukha pa ba akong ihaharap sa kaniya. Wala kasi akong maalala. Naramdaman kong dahan-dahan nitong inalis ang nakadantay kong braso sa kaniyang tiyan at maingat na bumaba sa kama. Nanatili pa rin akong nakapikit. Ilang sandali pa ay naramdaman kong lumapit ito sa akin at saka ibunuhol ang tali ng swimsuit ko. "Omg! May nangyari ba sa amin?" sa isip-isip ko. Gusto kong kagalitan ang akin

