Ayla's point of view. Alas-kwatro ng madaling araw ng ako ay magising. Sobrang sakit ng ulo ko sa dami ng aming nainom kaya naman dahan-dahan akong bumaba ng kama. Tulog na tulog si Vladimir kaya naman hindi ko na siya ginising para yayain siyang magkape. Pure black coffee ang napili kong inumin para magpababa ng tama. Wala talaga akong maalala kung paano kami nakauwi ni Nami. Ang naaalala ko lang ay natakasan ko si John at tinangay ko 'yung cellphone niya at pagkatapos ay pumunta na ako sa bar. "Pero, nasaan 'yung cellphone ni John?" kung nakuha ko nga iyon, nasaan? Mabilis akong bumalik sa aking higaan at maingat na hinanap ang nasabing cellphone. Napailing na lang ako nang makita ang aking panty sa gilid ng mukha ni Vladimir. "Shet... Wala talaga akong maalala!" pilit ko pa ring

