JOHN'S POINT OF VIEW Hindi ko Alam kung dala lang ba ito ng Tama ng alak kaya ganito na ang nakikita ko. Totoo ba ito? Si Ayla nga ba ang babae na nakahiga ngayon at natutulog sa kama ko? Kinuskos ko ang dalawa kong mata at iminulat ng maigi. Si Ayla pa rin ang nakikita ko! Ganoon ko na ba talaga siya namimiss kaya ganito ang nakikita ko ngayon? Pero hindi... Hindi naman ako lasing. Nakauwi ako ng normal dito sa room ko at Alam ko na hindi ito imahinasyon o ilusyon. Si Ayla nga ito. Si Ayla siya! Para patunayan sa aking sarili na si Ayla nga ang babaeng ito ay marahan kong hinaplos ang kanyang pisngi patungo sa kaniyang labi. Siya nga! Paano ako magkakamali eh gabi-gabi siyang laman ng panaginip ko. Pero... Pero paano siya napunta rito sa Isabela? Huwag niyang sabihin na--- No

