John's point of view. Expect ko nang magkakaroon ng gulo dahil ako ang may kagagawan kung bakit nag-aapoy sa galit si Vladimir ngayon. Isinend ko lang naman sa kaniya ang larawan ni Ayla at ni Kennedy na sweet sa isa't-isa habang nagkakape sa 5th floor ng hotel. Ako man din ay nagulat nang makita ko silang dalawa. Hindi ko alam kung paano nagkakilala ang dalawa gayong matagal na nawala si Kennedy. At base sa nakita ko ay mukhang hindi lang basta sila magkakilala. As in, close na close sila sa isa't-isa. Kaya naman nag-intay ako ng tamang tiyempo at mabilis ko silang pinicturan. Actually, maraming shots ang ginawa ko pero pumili lang ako ng iilan. Isinend ko kay Vladimir ang mga larawan na sa tingin ko'y mabilis na magpapakulo ng dugo niya. Gamit ang isang fake account ay tagumpay k

