VLADIMIR'S POV Habang abala si Ayla sa pagtawag sa aming mga kliyente ay lihim ko rin siyang tinitignan. Alam kong basic lang sa kaniya ang ganitong trabaho dahil ganito rin ang ginagawa niya no'ng nasa Bicol pa siya. Sa simpleng ngiti lang niya ay mas lalo akong ginaganahan na magtrabaho. Marami kasing problema ang hotel na ito at kailangan talagang tutukan. Ang totoo n'yan, hindi biro ang kinakaharap na problema ng hotel na ito. Kamuntik na kasi itong magsara dahil sa hindi magandang pamamalakad ng kapatid ko. Kaliwa't kanan ang reklamo dito dahilan para mapag-iwanan ang hotel na ito. Kaya naman ginagawa ko ang lahat maisalba lang ito. "Coffee muna," inilapag ni Ayla ang isang tasang black coffee sa aking lamesa na may nakadikit na sticky note. I believe in you. Kaya mo 'yan!!♥

