Ayla's point of view. Lasing na lasing si Vladimir at hindi na kayang tumayo mag-isa. "Bakit kaya siya nagpakalasing?" hindi kasi siya ganito, na hindi nagtitira ng pang uwi. Nagpresinta si John na siya na raw ang maghahatid kay Vladimir bagay na pinagdududahan ko. Alam kong may masama na naman kasi siyang binabalak. Kanina ko pa kasi napapansin na panay ang tingin niya sa akin. Tingin na may ibig sabihin. Syempre, hindi ko naman hahayaan na siya lang ang maghahatid sa amin kaya naman dali-dali akong nagpunta sa hotel upang tumawag sana ng tutulong. Pumunta ako sa security office upang magpatulong sana ngunit nadismaya ako nang wala akong nadatnan doon. "Nasaan ang naka-duty dito?" sa pagkakaalam ko kasi ay dapat tatlong security ang naka-duty ngayon ngunit ang pinagtataka ko ay baki

