hinimatay kanina si Ayla matapos na mag-apply sa hotel kung saan nagtratrabaho itong si Fatima. ang receptionist dito sa hotel. kaagad siya nitong dinala sa clinic upang malapatan ng pa unang lunas. hindi rin ito umalis hanggang hindi nagigising si Ayla. "miss, ayos ka lang ba? nahimatay ka kasi kanina eh, buntis ka ba?" tanong nito kay Ayla. ito lang kasi ang naisip niyang dahilan kaya hinimatay ito. nagulat naman si Ayla sa tanong ng kaharap. hindi niya inaasahan na tatanungin siya nito ng gano'n. napaisip tuloy siya pero mabilis lang din niya iyong inalis sa kaniyang isipan. napahawak siya sa kaniyang tiyan. "hindi naman siguro mabubuo agad iyon," sa isip-isip niya. muli niyang hinarap si Fatima at pilit na ngumiti. "ha? hindi ah, baka dala lang ng gutom. hindi pa kasi ako nag-aalm

