Napatingin si Jas kay Li. Larawan ng pag-aalala ang mukha nito. “Pinainom nyo na ba ng gamot?" "Sige, sasaglit ako diyan. Mang Delfin, sa bahay muna tayo,” wika ni Li sa driver. Nag-alala rin si Jas at naisip niya si Sam. “Bakit? May problema?” “Sumasakit daw ang tiyan ni Sam. Sweet, okay lang ba sa’yo? I-check ko muna si Sam,” wika ni Li sabay hawak sa kamay ng dalaga bilang paghingi ng sang-ayon. Para kay Jas ay priority si Sam kumpara sa pupuntahan nila. “Okay lang, gusto ko ring makita siya.” “Thank you Sweet,” naramdaman ni Jas ang paghalik ni Li sa kanyang bumbunan. Pagdating ng bahay ay agad na hinanap ni Li ang anak, “Manang Mila, Si Sam?" tanong niya agad sa kasambahay. “Nasa room po niya kasama si Citas,” sagot ng mayordoma. “Good evening Ma’am Jas,” nakangiting bati rin

