Chapter 51

1722 Words

Nagngingitngit ang kalooban na nagwalk out siya at lumabas ng bahay nila. Ano ba ang ipinakain ng Zion na yun sa nanay niya at ang bilis mapalagay ang loob ng huli. Parang nakalimutan na rin ng nanay niya ang malaking atraso ng binata sa kanya. 'parang hindi rin ikaw' tuya ng isipan niya. Nalukot ang ilong niya at dumeretso sa likod bahay. Umupo siya sa may lilim ng punong mangga at ngumuso na akala mo ay masasabitan na ng takuri. Nagmamarakulyo ang kalokooban niyang hinaplos ang tiyan. "Aish!! Promise mo baby paglabas mo, sabay nating sisipain sa mukha ang pangit mong ama" kausap niya sa anak. "O kaya ay kakalbuhin natin para papangit siya" "Hindi ka pa rin nagbabago, ang morbid mo pa rin pagdating sa akin" narinig niyang turan ni Zion sa likod niya. Namutla siya at marahas na niling

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD