Palibhasa ay iniwasan niya ito kaninang umaga, ngayong gabi tuloy ay para itong asong ulol na hindi mapakali. Kanina pa sila naghihilaan ng tuwalyang itinapis niya sa katawan niya. Katatapos lang niyang naligo kanina nang walang kaabog abog itong pumasok ng kuwarto. Nakangisi pa nga ang hudyo habang pinapadaanan ng mata nito ang katawan niya ng makita nitong halos hubad na siya at tuwalya lamang ang nakatakip sa katawan niya. Nagmadali siyang kumilos at tatakbuhin na sana ang malapit na distansya papunta sa walk in closet pero mabilis na hinarangan siya nito. Nagmukha silang mga bata nagpapatintero dahil pilit siyang makalagpas dito pero mabilis naman nitong hinaharangan ang dadaanan niya. Napaurong agad siya nang bigla itong tumigil at akmang aabutin siya, ayon nanaman at para silang pas

