Rochelle Dianne's POV Kanina pa paikot-ikot ang mga mata ko sa buong hall. Hindi ko alam kung paano pipirmi sa silya ko kung kanina pa ako naiinip dito. Dapat talaga hindi na niya kami sinama rito dahil wala naman kaming ginagawa ni Shoti. Naiinis na nga ako tapos tinulugan pa ako ni Shoti na nasa ibabaw ng hita ko. Hindi ko nga alam kung ano ba talaga ang topic nila sa seminar na 'to. Wala akong maintindihan sa nagsasalita sa harapan at nakakaantok pa. "Ayos ka lang ba?" tanong sa akin ni Ethan na nasa tabi ko lang. "Ganito lang ang gagawin mo sa buong apat na araw?" tanong ko sa kanya imbis na sagutin ang tanong niya sa akin. Nasa harapan pa naman din kami nakaupo pero wala talaga kong maintindihan. Papasok sa loob ng tenga ko tapos parang may kung anong sumisipa sa loob ng tenga ko

