Rochelle Dianne's POV Ngayon ko lang hiniling sa buhay ko na sana bumagal ang oras. Gusto kong matapos na ang kontrata ko sa kanya pero gusto ko rin siya na makasama pa. Ang gulo-gulo ng utak ko. Masyado niyang ginugulo hanggang ngayon na pabalik na kami sa Maynila. "Hindi ka ba nilalamig?" Napatingin ako kay Ethan na nakahawak sa railing ng barko habang nakatingin sa madilin na karagatan. Nakasakay kami sa barkona pauwi na sa Maynila. Hindi ko naramdaman bigla ang isang linggo namin sa Cebu. Parang tinangay na lang bigla. "Hindi naman," sagot ko sa kanya. Mas nararamdaman ko ang lungkot sa katawan ko. Pag baba ko ng barko wala na kaming magiging ugnayan ulit ni Ethan maliban sa pagpunta ko sa mama niya dahil ipapakilala niya ako. Natatakot ako. Gusto ko pa siyang makasama pero paan

