Inisang lagok ni Kalen ang baso ng red wine at pabagsak iyong inilapag sa mesa niya. Limang taon na ang nagdaan ngunit hanggang ngayon ay wala parin siyang balita kay Margareth. Sinubukan niyang pasundan si Krizlev ngunit lagi lang itong nakakatakas sa kanya. Five years of living his life without her is pure hell. He misses Margareth. So much. Naipikit niya ang kanyang mga mata ng mariin. Kung hindi lang sana siya nag-assume agad, sana ay nandito parin si Margareth sa piling niya. Sana masaya silang namumuhay kasama ang kanilang anak. Humikbi siya nang muling maalala ang itsura ni Margareth sa hospital. Wala na iyong Margareth na sobrang sweet, masayahin, annoying at amazona. Parang gusto nalang nitong patayin ang sarili nito. Lahat ng mga gamit ni Margareth ay nasa condo niya par

