Mainit ang ulo ni Kalen pagpasok ng kanyang opisina. Dalawang araw na kasing hindi pumapasok si Margareth simula noong araw na inihatid niya ito sa tinitirhan nitong apartment. Cannot be reached rin ang number nito pag tinatawagan niya. "S-sir, e-eto na po ang m-mga papeles n-na kailangang p-p-pirmahan..." Pinukol niya ng masamang tingin ang kanyang sekretaryang lalaki na nanginginig na sa sobrang takot. Inis niyang hinablot ang mga papeles mula sa kamay nito at pabagsak na inilapag sa mesa. Mas lalo siyang nainis nang hindi parin umaalis ang kanyang sekretarya sa kanyang harapan. "Why are you still here?" Malalim ang kanyang boses na tanong sa lalaki. "S-sir?" Naikuyom niya ang kanyang kamao. "Leave!" Sigaw niya rito. Mas mabilis pa sa alas-kwatrong lumabas ito sa kanyang opisina.

