Nagising si Jhajha sa pinong halik ng asawa. Habang pinapatulog ang anak ay hindi na niya namalayang nakatulog na rin siya. Kaya naman hindi na niya nabalikan ang asawa para gising upang kumain. “Sorry nakatulog pala ako, teka anong oras na ba?” aniya sa asawa at maingat na inaalis ang sarili mula sa pagkakayakap ng anak upang hindi magising ang bata. “It’s eleven in the evening,” sagot ni Alex at inalalayan siya na tumayo. “What?! Eleven pm na?” Gulat na sagot niya sa narinig. “God! I’m sorry hindi na kita nagising para kumain,” “Okay lang hon, hindi na nga kita sana gigising kasi ang sarap na ng tulog mo. Kaya lang Nana Lorna told me that you haven’t eaten yet, kaya ginising na kita para sabay na tayo kumain,” “Sorry talaga, balak sana kitang gising pagkatulog ng anak mo, ang kas

