Nagmamadali na lumapit si Daisy sa pinto ng condo unit ni Alex nang marinig nito na tumunog ang buzzer. Hindi niya alam kung sino ang tao na nasa labas ng pinto, at wala rin naman sinabi si Alex na may darating ito na bisita. Maliban sa kasambahay na si nana Lorna ay wala ng iba pang bumibisita sa kanila simula ng umalis ang mga ito. "Sino sila—" nabitin sa ere ang iba pa niyang kasunod na sasabihin sa gulat nang tumambad ang bulto ng ina ni Alex nang ganap niyang mabuksan ang pinto. Maging ang ginang ay hindi maipagkakaila ang pagkagulat nito nang makita siya sa loob ng bahay ng anak "W-who are you? And why are you here on my son's unit?" Nakataas na kilay na tanong ng ginang kay Daisy. Ma-awtoridad ito na pumasok sa loob ng unit ng anak at nilibot ang paningin. "Where's my Son?" An

