Minabuti ni Alex na mag stay sa condo niya ang mag-ina. Nang una ay mariin tinutulan iyon ni Jhajha ang desisyon na iyon ng lalaki, ngunit wala din ito nagawa, sa huli ay si Alex pa rin ang nasunod. Kaya naman whether she like it or not, they'll staying at his unit, dahil sa oras na tutulan niya ang gusto ni Alex ay baka ilayo lang nito ang anak sa kanya. "Babalik na lang ako bukas ng umaga," malamig na boses ni Alex ang nagpatigil kay Jhajha sa pagtutupi ng mga damit nilang mag-ina. Tumayo siya at hinarap ito. "O-okay," tipid na sagot niya at naiilang na tumingin rito. "At gusto ko pagbalik ko bukas ay na pirmahan mo na ang divorce paper natin," tila naging bato ang katawan niya sa narinig na sinabi ng lalaki. Divorce paper... Mabilis niya na hinamig ang sarili at tumango sa lalaki.

