Dahan-dahan na iminulat ni Jhajha ang mga mata nito. Nanlaki ang mga mata niya nang bumungad sa kanya ang malapad na dibdib ni Alex ng umaga na iyon. Kung pwede lang siyang magtatalon sa tuwa ay kanina pa niya iyon ginawa. Kaya pala ang sarap ng tulog niya dahil ang braso ng asawa niya ang nagsisilbing pinaka unan niya habang mahigpit na nakayakap sa kanya ang isang braso nito. Naiinis na naman siya sa sarili niya. Kagabi lang e, balde-baldeng luha ang iniubos niya sa sakit dahil sa narinig niya na sinabi ng lalaki, tapos ngayon na nakayakap ito sa kanya e bigla na lang iyon naglaho na parang bula? Mabilis niya na ipinikit ang mga mata nang makita na bahagyang gumalaw si Alex. Hindi niya sure kung gising na ito pero nakita niya ito na gumalaw kaya nmagkukunwari na lang siya na tulog pa m

