Napabalikwas ng gising si Alex nang maramdaman nito na wala na ang sa tabi niya ang babae na kasiping sa kama kagabi. Kaagad itong tumayo at mabilis na lumakad palabas ng kwarto, at nagbabakasakali na naroon pa ang kauna-unahang babae na ini-uwi niya sa condo unit nito.
"Diyos por santo, hijo!" Anang may edad na kasambahay kay Alex, nang tumambad sa ginang ang hubad na katawan nito na tanging boxer short lamang ang suot.
"Hindi maganda na lumalabas ka ng silid mo sa ganiyang kapirasong kasuotan mo! " Sita ng ginang sa kanya.
Shit! lihim na angil ni Alex sa sarili nang makalimutan nito na hindi nga pala siya nag- iisa sa araw na iyon. Schedule nga pala sa paglilinis ng kasambahay nila sa condo unit nito. Once a week na bumibisita ang kasambahay nila na si aling Lorna sa condo unit nito upang maglinis at magdala ng food supply sa binata. Kahit nasa hustong gulang na si Alex ay baby na baby pa rin ito kung iturin ng ina. Palibhasa ay nag- iisang anak lamang kaya naman alagang-alaga ito ng mga magulang especially ng ina.
"Sorry po nana Lorna. Nakita n'yo po ba 'yong kasama kong babae—" Hindi pa man natatapos ni Alex ang sinasabi ay kaagad na itong sinagot ng ginang.
"Ah, 'yong magandang babae, ba? umalis na. Inalok ko nga na mag almusal muna bago umalis. Hindi na raw at kailangan na n'ya na umuwi,"
Nalaglag ang balikat ni Alex sa sinabi ng ginang.
"Ganun po ba? Sige po. Balik na po muna ako sa kwarto ko. Salamat po," aniya at tinalikuran na ito.
Habang naglalakad si Alex patungo sa silid nito ay hindi niya mapigilan ang sarili na manghinayang dahil ni hindi man lang niya nakuha ang pangalan ng babae. Gusto niyang pagtawanan ang sarili, finally, he experienced having a woman. Funny thing is they both first timer on bed. At ganun pala ang satisfying feeling sa bagay na iyon, nakakalasing, nakaka-adik, nakakabaliw. Iyong tipong mawawala ka sa sarili mong ulirat just to make it happen and release the burning sensation of lust sa mainit na katawan ng dalawang tao na gumagawa niyon. At kahit pala pareho silang walang karanasan sa makamundong pagnanasa na iyon ay kusang gumalaw at sumabay ang mga katawan nila sa mainit na sensasyon sa pagitan nilang dalawa. Hindi lubos maisip ni Alex kung paano niya na gawa ang makipag siping sa hindi niya kilalang babae. At kung paano nila ginagawa ang bagay na iyon. Basta ang tanging natatandaan lang niya ay sabay nilang narating ang rurok ng kaluwalhatian ng kasiping sa ibabaw ng malambot na kama niya kagabi. Napangiti siya ng bumalik sa alala ang mga nangyari sa kanila. Napaisip siya ng malalim. Habang abala sila sa saliw ng malamyos na sensasyon ng kaniig. Pakiramdam ni Alex ay pamilyar sa kanya ang pares ng maliit at singkit na mga mata ng babae na iyon. Hindi lang niya maalala kung saan at kanino niya nakita ang pares ng mga mata na iyon. Pero isang bagay lang ang alam niya, at hindi siya pwedeng magkamali roon. Nakita na niya ang pares ng mga mata na iyon, sadyang hindi lang niya ma pin point kung saan niya iyon na kita. Nang makarating si Alex sa loob ng kwarto muli itong humiga at niyakap ang malambot na unan na ginamit ng babae na kaniig nito ng nagdaang gabi. Pumikit ito habang inaamoy ang naiwang feminine scent sa unan.
Who are you? Where the hell I'm going to see you? Bakit ka umalis ng hindi man lang tayo nakapag-usap? Sino ka? Sino ka...
paulit-ulit na tanong niya sa sarili. Frustrated siya dahil ni hindi man lang niya nakuha ang pangalan nito. At isa pa, nangangamba siya na baka magbunga ang isang gabi na pinagsaluhan nila na iyon. Paano kung pagdating ng araw ay magiging problema niya ang bunga ng kapusukan nila? Hindi maari. Panigurado na mapapagalitan siya ng mama niya at baka ito pa ang maging mitsa upang malagay sa kahihiyan ang pangalan ng pamilya na matagal ng pinaka-iniingatan ng angkan nila. Kaya kailangan niya na makita kung sino man ang babae na umakit sa kanya. Umakit? Inakit nga ba siya nito? O kusa siyang naakit sa mapungay na mga mata at magandang babae na iyon? Sa dami ng mga babae na pilit na umaakit at lumilingkis sa kanya sa bar ng kaibigan niya. Bakit kagabi lang siya na akit at nakaramdam ng kakaibang pagnanasa na ganoon sa isang babae? na tantiya ay college student palang ito. Kaya mas lalo siyang na-aalarma. Baka makasuhan pa siya ng child abuse pagkataon. Hindi naman niya maaring idahilan sa korte na inakit lang siya ng babae na iyon. Haist! Saan naman kaya niya makikita ang babae na 'yon? Kumibot ang kilay niya at sinapo ang ulo sa sakit niyon. Hindi siya lasing kagabi. Kaya malabong magka-hang over siya. Sumasakit ang ulo niya sa pag-iisip kung saan lupalop niya ito hahanapin... He knew that they weren't both drunk last night. Kaya nasa katinuan sila ng babae na iyon habang mainit na pinag-iisa ang kanilang mga katawan.
"Woah! Alexander Lawrence David?!"
Gulat na gulat na bigkas sa pangalan ni Alex ng kaibigan nito na may-ari ng bar.
"What a miracle! Bro? Nandito ka sa bar?"
Hindi makapaniwala si James na naroon muli si Alex sa bar niya. Bilang sa daliri ang pagtambay nito sa bar dahil hindi naman ito ang tipo ng tao na party-goer at mahilig sa hang-out. Masyado itong masunurin sa mga bilin ng ina. Si Alex ang tipo ng lalaki na trabaho ang alam gawin. At magkulong sa loob ng condo unit nito. Kaya naman laking pagtataka ni James na naroon muli si Alex. Dahil iyon ang kauna-unahang pagkakataon na pumunta sa bar si Alex ng magkasunod na gabi.
"Mm... Are you looking for someone?"
Ani James kay Alex nang mapansin nito na tila may hinahanap ang kaibgan dahil sa panay ang lingon nito at halos isa-isahin ang mga babae na dumadaan sa kinaroroonan nila sa loob ng bar.
"Nothing,"
Tipid at pagkukunwaring tugon ni Alex sa kaibigan. Nang hindi niya ito tinapunan man lamang ng tingin.
"I think wala ka nga talagang hinahanap..."
Tumatango-tango na sagot ni James kay Alex.
"Pero kung sabihin ko sa 'yo na kilala ko ang hinahanap mo?"
Mabilis na bumaling ng tingin si Alex sa kaibigan matapos nito na marinig ang sinabi nito.
"Got you!"
Nakangiti na sabi ni James nang mahuli si Alex na nagsisinungaling sa kanya.
"So, finally. May nakabihag na rin sa 'yo na babae sa bar ko! That's why you here? Tama?"
James, smirked. At luminga-linga ito sa kumpol ng mga babae na sumasayaw sa gitna ng dance floor.
"It's not what you think, okay. I'm just... I'm just confused about this girl, I met last night,"
"Oh, come on bro, 'wag kanang mag dahilan pa. Hindi mo ko madadala sa pagsisinungaling mo. So, sino? 'yun bang kasayaw mo last night? Hmm.. She's too young and pretty, ah. Hindi ko naman alam na younger pala sa 'yo ang dream girl mo? Magaling kang pumili ah. Maganda at sexy s'ya,"
Pahayag ni James.
"I told you, this is not what you think—"
"So, don't tell me, hindi ka na score? Or You're looking for her because you can't get over her? After you know what i mean,"
Putol na pangbubuska ni James sa seryosong si Alex. Simula pa noon ay hindi niya nakita na or narinig sa kaibigan na may nagugustuhan itong ibang babae. Maliban sa first love at kinabaliwan nito noon na si Camille. At kasalukuyang ay happily married na ito sa lalaki na mahigpit na naging katunggali ni Alex sa pangliligaw sa first love nito. Ang tagal din nitong naging broken hearted ng ma-friend zone ito ni Camille, na lubos nitong pinag-alayan ng pag-ibig. At saksi si James roon. Kaya naman masaya ito para sa kaibigan si Alex na may napupusuan na itong muli.
"You know her?"
Hindi napigilang tanong ni Alex sa kaibigan.
"Hmm.... Not really. You know naman people come and go dito sa loob ng bar. But If I'm not mistaken. Madalas ko s'ya makita kasama ang isa pang ka-edaran din niya na babae, siguro kaibigan niya,"
"Tsk! Ang dami mong sat'sat. Akala ko naman kilala mo!"
Tila yayamot na turan ni Alex sa kaibigan. Dankasi na naman ay kanina pa ito panay kuda na kilala nito ang babae na hinahanap niya, tas hindi naman pala.
"Tsk! Sorry naman, hindi ko naman alam na seryoso ka pala sa chicks na 'yon, but seriously, congrats bro! Sa wakas may bago ka nang kababaliwan ngayon. Ang akala ko talaga ang mommy mo pa ang maghahanap ng babae para sa 'yo,"
Biro na ani James kay Alex. Dahilan upang maningkit ang mata nito sa pagkainis.
"I'm serious, James. I need to fix this problem. I need to find her,"
Puno ng kaseryosuhan na wika ni Alex sa palabirong kaibigan.
"Woah! Iba din! One night mo lang nakasama problema na agad sa 'yo? "
"She's a virgin when I got her. What if she gets pregant because of me? I mean dahil sa ginawa namin? Aatakihin sa puso ang mommy ko pagnalaman n'ya ang tungkol dito."
Mahinang humalakhak ng tawa si James sa sinabi ni Alex.
"You know what dude, Ikaw pa lang ang nakilala kong lalaki na ganyan mag isip. one million points kana niyan sa langit ah. Sa mantalang 'yong ibang lalaki d'yan, basta ma-ikama na nila ang isang babae, boom parang kidlat na mawawala. Iba ka talaga, baka mapatayuan na kita ng rebulto sa sobrang pagka-good boy mo," he smirked.
"Palibhasa gawain mo rin ang mang-kama ng mga babae! " Biro na tugon ni Alex sa babaero na kaibigan noon.
"Well, that's was before I met my wife, bro. People change, sabi nga nila. And I'm a changed man now," giit ni James sa kaingan.
"You should have to do that, dahil kung hindi patay sa asawa mo! " sagot ni Alex sa kaibigan na pinagpapawisan na ng malagkit.
Umabot si James ng beer at ibinigay kay Alex. "Oh, uminom ka na nga lang r'yan. Pass is pass, bro. Kalimutan mo na 'yon at baka marinig ka pa ng asawa ko. Ma-Out side the bed na naman ako nito," Napapakamot sa ulo na sabi ni James kay Alex.
Natatawa na kinuha ni Alex ang beer kay James. "Oh, ayan na pala ang sweetie pie mo," nakangiti na pahayag ni Alex sa kaibigan.
"Oh. Iwan na kita, ah. Enjoy ka lang bro," natataranda na paalam ni James kay Alex at sinalubong ang asawa na naglalakad papunta sa gawi nila.
Habang tahimik na umiimon ng beer si Alex ay laman pa rin ng sip niya mukha ng strangherong babae na nakasama nito. Tinatanong niya ang sarili. Bakit nga ba hindi matahimik ang isip niya sa katauhan ng babae na iyon? Kung utuosin ay tama ang kaibigan niya. He should be lucky na hindi maghahabol sa kanya ang babae na iyon. Pero bakit may parte ng isip at puso niya na nangungulila sa init ng yakap ng
babae na kauna-unang umangkin sa p*********i niya. At lubos na nagpapagulo ng sobra sa sistema niya. Muli niyang tinungga ang hawak na bote ng beer, at ini-straight iyon inumin
Hindi ko alam kung ano ang ginawa mo sa akin, at nababaliw ako sa iyo ng ganito, pero isang bagay lang ang alam ko. Hindi ako titigil hanggang sa mahanap kita...