“KUMUSTA naman diyan sa opisina?” tanong ni Lady sa bestfriend at sekretarya niyang si Karen na ngayon ay kausap niya sa cellphone. Pagkagising niya ng umagang iyon. Agad niyang naisip ang pansamantalang iniwan na kumpanya. It has been two weeks simula ng mawala siya sa mata ng lahat. At dahil iniiwasan din niyang manood ng telebsiyon. Wala siyang nababalitaan tungkol sa kung ano man ang sinasabi ng mga media hinggil sa kanya. Maging si Humphrey ay hindi rin nagbabanggit sa kanya tungkol sa issue. “Okay naman. So far. So good. But it would never be the same. Mas masaya kapag nandito ka. Pati na ang ibang empleyado ay ganoon din ang sinasabi. Mas gusto nila na nandito ka.” mahabang sagot nito. “Tell them this is just temporary. Huwag kay

