Napakunot ang nuo niya dahil dumilim ang mukha ng binata ngunit nagbago rin iyon. "Ano yun?" kuryuso niyang tanong. Napailing naman ang binata kaya mas nakuryuso siya. "What is it Damian?" pangungulit niya. "Nothing baby, nevermind." saad nito sa kaniya. "sabihin mo na." hindi siya tumitigil kakatanong. "I just want to tell you that I love you so much" ngumiti pa ito sa kaniya kaya napahinga siya ng maluwag. Akala niya kung ano na ang sasabihin nito. Bandang alas kuwatro na sila naka alis ng parking lot at umakyat sa penthouse. Halos isang oras din sila sa loob ng kotse. Napag desisyonan nilang mag order nalang para sa kanilang maagang hapunan dahil pagod ang binata at ayaw nitong paglutuin siya dahil gusto lang nitong nakayakap sa kaniya, may pasok pa siya sa trabaho. Nasa sala

