She doesn't know what to do. Sobrang lakas ng t***k ng kaniyang puso. Hinila niya si Grace nang mapadaan ito sakaniya. "What's happening?" may diin niyang tanong. Hinihingal at namumutla ang babae nang tingnan niya ito. "Nawawala ang isa kong pasyente." pumiyok pa ito sa sinabi. "Sino?!" tanong niya. May ideya siya ngunit ayaw tanggapin ng utak niya. Hindi maari! "Si Mr. Damian Del Mundo." mangiyak ngiyak na saad nito sakaniya. Hinawakan niya ang nanginginig na mga kamay nito. Tuluyan nang umiyak ang babae. "Hey it's fine, mahahanap din siya" pag aalu niya rito. "Eve, masisisante ako nito! VIP patient iyon! " umiiyak na saad nito. Niyakap niya ang babae at pinakalma. Marami na ang naghahanap sa lalaki. Nagkakagulo ang lahat ng nurses, even the staffs and crews ng ospital ay gumagal

