"Makapal talaga ang mukha ni Maggie pati kami labis na nagtataka kung bakit hinahayaan ni Selina at mukha may lihim ang magina" sumbong ni Manang Cita. "Isipin mo, lahat ng mga regalo at mga bagay na binibili ni Anthony para sa asawa noon ay siya ang gumagamit palibhasa magka built sila ng katawan. Mula sapatos hanggang alahas at pabango ay nakay Maggi lahat samantalang si maam Selina madalas ay nakaordinaryong damit lang. Sa hapag kainan embis na si mam Selina ang nagaasikaso kay Anthony ay mga kamay ni Maggie ang umaasikaso dito. Hindi nagsasalita si Selina kahit si Maggie ang sumusubo. Hindi kami makakibo dahil mabagsik si Maggie sa amin" dagdag pa ng matanda. "Ano? gaano kademonyo ang mag inang yun, grabe!' hindi makapaniwala si Juiiana sa narinig. "Eto pa ..eto pa.. minsan kapag na

