Ang sampal at sigaw na iyon ang tila gumising sa kamalayan ni Anthony. Kasabay ng pagtulo ng luha ni Anthony ay nakita niya ang silhouette ng isang babae nakahiga sa ilalim niya. At dahil nakita na niya si Selina bago pa man siya mabulag ay nakilala niya ang silhouette nito. Nagtuloy tuloy ang pagluha ni Anthony kasabay ng paglinaw ng kanyang paningin. Nakaramdam ng kaligayahan si Antohny sa paglinaw ng mga mata kaya hindi ininda ang mga sinabi ni Selina at muling minahal at sinamba ang babaeng nakikita niya ng sandaling iyon. Pero ang huling sinabi ni Selina ang tila naging dahilan ng pagdilim ng lahat lahat kay Anthony. “Sige pagsawaan mo ang katawan ko lagyan mo ng presyo ang lahat. Bilhin mo ng pera mo total dyan ka magaling ang bilhin ang kahit na sino kahit pa kasuklaman ka pa. It

