Halos kilabutan sila ng tiyahin niyang si Aling Cita sa lahat nang marinig nila ang nasagap ng recording. Napaantanda pa nga si manang Cita at kinilabutan naman si Margie ang asawa ni Tino. Binilinan siya ni manang Cita na wag lulubayan ng tingin si Anthony dahil baka pati kaligtasan ng amo nila ay manganib.Demonyo ang nakatira sa bahay nila ngayon at delikado ang kawawang si Anthony. Nang mahimasmasan si Anthony ay kinumbinsi niya itong doon muna sa Beach magpalipas ng araw at maglibang. Nagpilit na sumama si manang Cita dahil hindi na daw nito kaya ang sitwasyun pero hindi nila ipinaalam kay Anthony na narinig nila ang lahat. Kaya pagpunta ni Anthony sa resort ay kasama na nito si Manang Cita at nagpaalam ang matanda na doon muna ito sa resort dahil madalas naninikip ang dibdib sa m

